Sigurado na si senatorial aspirant at House Deputy Speaker Rodante Marcoleta na mananalo sina presidential aspirant at dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at vice presidential bet at Davao City Mayor Sara Duterte sa darating na halalan ngayong Mayo 2022.

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, Marso 15, sinabi niyang panalo na ang UniTeam tandem.

"Finish na. Panalo na si BBM at Inday Sara," aniya.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Gayunman, kung nais daw ng mga tao na ituloy umano ang pagbabago dapat ay pumili ng bago.

"Pero paano naman ang Senado? Kung gusto natin ituloy ang pagbabago, pili pili din ng bago. Gusto mo ng produktibong Senado? Iluklok natin ang mga tunay na kaalyado," dagdag pa niya.

Si Marcoleta ay tumatakbong senador sa ilalim ng UniTeam slate nina BBM at Sara. 

Naging matunog ang pangalan ng senatorial aspirant noon dahil isa siya sa mga kongresistang hindi pumabor sa franchise renewal ng ABS-CBN noong 2020.