Dahil naging usap-usapan ang Facebook post ni Valentine Rosales tungkol sa 7/11 branch ng pinagbilhan niya ng Speak Cup, tila may patutsada naman ang self-proclaimed "Pambansang Marites" na si Xian Gaza.

May pa-cryptic post si Gaza tungkol sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

“Feeling ko may kasalanan ka sa pagkamatay ni Dacera pero nag-imbento ka ng kwento sa media at pulisya,” aniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ayon kay Gaza, sapul na sapul daw yung taong nanggigil kahit na wala naman umano siyang binanggit na pangalan.

“Qiqil much kahit wala akong binanggit na pangalan. Sapul na sapul eh. Guilty. Sabi ko na nga ba may alam talaga siya pero gumawa ng kwento para hindi madiin sa kaso,” saad pa ni Gaza sa comment section ng kanyang post.

Sinagot kasi ni Rosales ang naturang post. Matatandaang kabilang sa mga inimbestigahan si Rosales dahil sa pagkamatay ni Dacera noong 2021.

"Nahiya naman ako sayo, Ikaw nga nabuhay ka sa puro kasinungalingan almusal mo gumawa ng issue sa mga tao panay imbento ka ka-lalaki mong tao Marites ka, Atleast ako aminadong bakla ikaw in denial kang tilapia," saad ni Rosales.

Gayunman, tila hindi nagpatalo ang pambansang Marites.

“Malakas yung kutob ko na-OD si aneswah on his watch tapos hindi niya masabi yung totoo dahil mayayari siya ng NBI at PDEA dahil ka-jamming siya mismo ni aneswah before madeadz," saad ni Gaza.

“Kaya nagbigay siya ng salaysay na kwentong barbero para malayo ang imbestigasyon sa katotohanan upang hindi siya mayari ng batas," dagdag pa niya.

“Tutal expertise naman niya ang pag-iimbento ng kwento. Halatang-halata mga Mars. Sanay na sanay eh. Kitang-kita sa VIEW EDIT HISTORY,” pahayag pa ni Gaza.

Sa viral post ni Rosales, makikita sa edit history nito na pinalitan niya ang 7/11 branch na pinagbilhan niya ng Speak Cup.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/