Hindi nao-offend si Ruffa Gutierrez sa kadalasang pag-aakala ng ilan na siya ay isang bakla.

Sa isang episode ng segment na Sexy Babe ng It’s Showtime kamakailan, unang natanong ng host na si Vice Ganda si Ruffa kung ano ang magiging reaksyon nito kung mapagkamalan siyang buntis.

“Hello? Look at your body first before you say that to me,” saad ni Ruffa.

“So may offense?” segundang tanong ni Vice.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Yeah, especially if flat ang tiyan ko like do you need glasses? Sorry I’m just being honest,” nasa karakter pa ring sagot ni Ruffa.

Sunod naman na natanong ng Unkabogable Star kung ano ang magiging reaksyon nito kung mapagkamalan siyang bakla.

“They always say na mukha akong bakla and I’m like, ‘So? It’s an honor to look gay.’ Mas type kong magmukhang bakla,” kumpiyansang sagot ng former beauty queen.

Naloka naman si Ruffa sa sunod na tanong ni Vice kung mapagkakamalan siyang lalaki.

“Sa laki ngb$@bs ko? I think they really need glasses. I won’t mind them nalang. Hair flip na lang sila,” ani Ruffa.

Samantala, inanunsyo ng Cornerstone Entertainment Inc. nitong Linggo, Marso 13 ang hottest comeback ni Ruffa.

"#RuffaGutierrez is officially back with the one and only BELO, more than ready to go on a journey to bring out her inner #SexyBabe! ?" mababasa sa caption ng talent management agaency.

Larawan mula Cornerstone Entertainment via Facebook

Larawan mula Cornerstone Entertainment via Facebook

Ilang larawan kung saan lantad ang fit at sexy body ng celebrity mom ang makikita sa isang Facebook post bilang bahagi ng isang kampanya ng isang kilalang beauty brand.