Usap-usapan ngayon sa social media, partikular sa Tiktok, ang mga kumakalat na litrato nina basketball star Ricci Rivero at Kapamilya star Andrea Brillantes, na umano'y magkasama raw sila dahil sa parehong background at isang lalaking restaurant staff na kasama nila sa iisang litrato.

Ibinahagi naman sa FB page na 'Davinci Quotes' ang tila resibong nakuha mula sa TikTok, na suot-suot umano ni Andrea ang jersey o uniporme ni Ricci sa pagbabasketball, na may numerong '25'.

May be an image of 6 people, people standing and indoor
Screengrab mula sa FB/Davinci Quotes

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Isa rin ito sa mga 'pasabog' na inurirat ng self-proclaimed na 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza sa kaniyang Facebook post, nitong Marso 13, 2022. Kalakip nito ang viral photos nina Ricci at Andrea.

"Isyus Manager, pakialam kung bakit sila magkasama. Hindi ka sasahod sa akinse hangga't 'di mo nalalaman," nakalagay sa caption ng FB post ni Xian.

Screengrab mula sa IG/Xian Gaza

Matatandaang noong Pebrero 22, 2022 nagsimula ang bulung-bulungang mukhang may namamagitan na umano sa kanilang dalawa, dahil sa kanilang mga caption sa IG posts nila.

'Hi', sey ni Ricci, kasama ang petsang 2/22/22.

'Hello,' saad naman ni Andrea, na may petsang 2/22/22.

Screengrab mula sa IG/Ricci Rivero

Screengrab mula sa IG/Andrea Brillantes

Subalit hindi nila kinumpirma kung may kinalaman sa isa't isa ang kanilang mga IG post o nagkataon lamang at nabigyan ng malisya, batay sa napansin ng mga netizen. Makikita rin kasi sa mga litratong ibinahagi ni Andrea na kasama niya ang mga kaibigan sa showbiz na sina AC Bonifacio, Jeremy Glinoga, Awra Briguela, Darren Espanto, at iba pa.

Sa 19th birthday naman ni Andrea, pinutakti ng mga netizen ang birthday message ni Ricci para kay 'Blythe'. Tinawag pa niya itong 'Drew'. Saad ni Ricci,

"Happy Birthday, drew! :))" saad ni Ricci.

Nagngitngit naman ang mga SethDrea fans o tagahanga ng tambalan nila ni Seth Fedelin, dahil sana raw ay nag-PM na lang daw si Ricci bilang respeto umano sa tambalan.

"Pwede naman personal na lang siya mag-greet kay Blythe may pa-Drew pa daw. Hindi ko siya binabash peo sa respeto sa lt (love team)."

"@ricciiirivero respect na lang sa love team."

"@ricciiirivero sa dami ng bumati ikaw lang di ko nagustuhan."

Sa ngayon kinakikiligan din ang tambalan nina Ricci Rivero at Sharlene San Pedro na tinatawag na 'SharCci'.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Ricci dahil sa kaniyang tweet hinggil sa usaping politika, at pagpanig umano sa 'UniTeam' nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte.

Si Andrea naman, hindi pa tinutuldukan ang naging chika hinggil sa hindi umano nila pagkakaunawaan ni Francine Diaz, sa isyu ng pag-unfollow umano nila sa isa't isa nang dahil kay Seth Fedelin.

Samantala, wala pang tugon o pahayag sina Ricci o si Andrea hinggil sa isyung ito.