Mariing tinututulan ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa Bataan.

Ang pagtutol ay ginawa ng obispo matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No.164 noong Pebrero 28 na pinahihintulutan ang paggamit at pag-aaral ng Nuclear Energy bilang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya at paraan upang makabangon ang naluging ekonomiya ng bansa.

Tanging panganib lamang aniya ang idudulot ng BNPP sa mamamayan sa Bataan higit na dahil sa pagtatayo nito sa ibabaw ng Bulkan ng Mount Mariveles.

“They know very well the real situation and condition of BNPP, it is sitting on dormant volcano, our future, or our future on energy is not on BNPP. It is danger and destruction. Thanks and take care,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa church-run Radio Veritas nitong Linggo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“It will never produce added electricity and the cost of rehabilitation will only be ways and means for graft and corruption as its construction is founded on greed,” dagdag pa niya.

Nangangamba rin naman ang obispo na mauwi lamang sa katiwalian ang gagamiting pondo sa rehabilitasyon.

Binigyang-diin din ni Santos na kaisa ng Diyosesis ang Lokal na Pamahalaan sa Bataan sa pagtutol laban sa rehabilitasyon ng BNPP.

“The provincial government and the Diocese are one, united against rehabilitation of BNPP. The voice of our people is strongly, openly NO,” ayon pa sa kanya.