Inihanda na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga contingency measures upang matugunan ang epekto sa mga commuter sa kalakhang lungsod kasunod ng planong transport strike sa Marso 15.

Mula sa mga sasakyan hanggang sa Pasig River Ferry Service, sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na ang mga plano ay nakabalangkas na upang matiyak na ang transportasyon ng mga manggagawa at ibang tao ay hindi masyadong maaberya.

“Contingency measures will be in place to ensure that the commuting public will not be inconvenienced,” ani Artes.

“Agency buses and trucks will be prepositioned to provide free rides to commuters and transport them to the EDSA Bus Carousel. ‘Libreng Sakay’ signage will be attached to vehicles so that the public can easily identify them,” dagdag niya.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Nakatakdang maglunsad ng transport strike ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) sa gitna ng sunud-sunod na big-time na pagtaas ng presyo ng langis at gayundin para kondenahin ang sinasabi nilang kabiguan ng gobyerno na tugunan ang kanilang mga hinaing.

Sinabi ni Artes na maglalagay din ang MMDA ng mga traffic personnel at mga miyembro ng Road Emergency Group sa iba't ibang bahagi ng National Capital Region para tulungan ang mga motorista at commuters na maaapektuhan ng transport strike.

"Inutusan ang aming mga tauhan na pamahalaan ang trapiko at magbigay ng tulong sa mga commuters sa panahon ng transport strike," sabi ni Artes.

Aareon Recuenco