Ilang buwan matapos ang kontrobersyal na isyung kinasangkutan ng aktres na si Lj Reyes at ng live-in partner nitong si Paolo Contis, sinusulit na ngayon ng celebrity mom ang mga oras na kasama ang dalawang anak sa Amerika.

Sa isang Instagram story ng aktres, hindi napigilan nitong maging emosyonal habang pinagmamasdan ang dalawang anak na si Aki at Summer suot ang masasayang tawa.

Mababasa sa caption ng larawan ang maikling mensahe ni Lj sa mga anak.

“Sobrang mahal ko kayong dalawa… When you guys are happy, I am the happiest… Wala lang! Clingy and emo lang ako,” saad ni Lj.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Screengrab mula sa Instagram Story ni Lj Reyes

Matatandaang matapos makaladkad ang pamilya sa pinag-usapang hiwalayan nila ni Paolo, nagdesisyong lumipad ng Amerika ang aktres para protektahan ang mga anak.

Larawan mula Instagram account ni Lj Reyes

Kasalukuyang naninirahan sila Lj at kanyang mga anak sa New York.