Muling nagbigay ng update sa kaniyang kalusugan si Queen of All Media Kris Aquino sa kaniyang latest Instagram post nitong Linggo, Marso 13, 2022.

"Hindi mahaba ang caption, nasa art cards sa video that I personally edited with art cards ?? ???????? ?o," saad sa caption ng kaniyang IG post.

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Ibinahagi niya ang isang video na nagpapakita ng screengrab ng iba't ibang kuhang litrato niya habang sumasailalim sa iba't ibang treatment.

Sa serye ng mga art cards, pinasalamatan niya ang mga kapamilya, doktor, nurses, at mga kaibigang patuloy na ginagawa ang lahat upang lubusan siyang gumaling.

Ipinakita rin ang naging sorpresa sa kaniya ng dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimby noong kaarawan niya.

isa-isa namang bumati ang mga kaibigan niya sa showbiz.

Darla Sauler: "Love you. Labaaaan. God is good."

Angel Locsin: "Pagaling and pahinga ka ate? love you!"

Michael Leyva: "Love you ate."

Angeline Quinto: "????❤️❤️❤️❤️."

Marlo Mortel: "Claiming for your fast & ultimate healing ate @krisaquino ❤️."

Cherry Pie Picache: "??????."

Neri Naig-Miranda: "Pagaling ka po, Ms Kris ❤️❤️❤️❤️."

Krissy Achino: "Magpagaling, lumaban, at patuloy po kayong magpalakas, Ms. Kris! May the Lord cover you with His most precious blood & Mama Mary’s blue mantle of protection. Amen! Get well soon! Xoxo ??."

Marian Rivera-Dantes: "?? Makakaraos ka din ninang. Kayang-kaya mo 'yan. ?."

Ang bagong treatment na isinagawa kay Kris ay Xolair injection. Ang huling update niya ay noong Marso 5, 2022.