Napa-wow na lamang ang mga netizen sa Instagram post ng tinaguriang Kapuso Teen Queen at 'next Marian Rivera' na si Jillian Ward, matapos nitong ipagmalaki sa social media ang naipundar na itim na Porsche sports car.

Ito raw ang kauna-unahan niyang sports car, ayon sa caption ng 17 anyos na teen actress.

"My first sports car. ??☺️ @porsche," aniya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa IG/Jillian Ward

Screengrab mula sa IG/Jillian Ward

Screengrab mula sa IG/Jillian Ward

Noong Nobyembre 2021, ipinagmalaki naman niya ang kaniyang BMW na katas ng kaniyang pinaghirapan sa showbiz. Nilagyan pa niya ito ng caption na 'My new baby car'.

Nabanggit din ni Jillian noon na may dalawa pa siyang kotse; ang kanilang Ford pick-up truck at black taping van na pina-customize pa niya with all-pink Hello-Kitty-themed interiors.

Sey naman ng mudra ni Jillian na si Mommy Jenny, bata pa lamang daw ay talagang maayos na sa pera si Jillian dahil kumikita na nga ito ng pera. Nasa tamang savings at investment na raw ang mga kinita nito. Inilalagay sa bangko ang kaniyang pera at may nakabukod na account si Jillian na hindi ginagalaw.

Samantala, binura naman ni 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza ang kaniyang pasabog na Facebook post hinggil sa isang young actress na nakabili ng bagong kotse, na bagama't walang tinukoy na pangalan, ay hinulaan ng mga netizen na si Jillian.

"Marami akong nalalaman. Ayaw ko na lang mag-talk," aniya.

Binalaan naman siya ng mga netizen na huwag nang gawan ng isyu si Jillian dahil menor de edad pa lamang daw ito at maaari siyang makasuhan.

Simula nang bumida si Jillian sa TV adaptation ng pelikula ni Vilma Santos na 'Trudis Liit' ay nagsimula nang umalagwa ang kaniyang career. Napabilang siya sa iba't ibang mga proyekto sa Kapuso Network, at ang huli nga ay 'Prima Donna' na nangunguna sa Drama Rama sa hapon ng GMA.