Lumabas na ang episode 2 ng 'The Exorcism of Lenlen Rose' nitong Marso 13, 2022 na pinamagatang 'The Curse of Maria Magdalenlen', na idinerehe ni Darryl Yap, sa ilalim ng VinCentiments.

Sinimulan ang eksena sa sinasanibang si Lenlen na sinusubukang pagalingin ng isang pari.

"Parang alam ko na kung anong nangyari kay Lenlen," sabi ng pari.

"Ano po?" tanong ni Juliana.

Karina Bautista, PH navy reservist na

"The curse of Maria Magdalenlen," sagot naman ng espiritista.

Paliwanag ng dalawa, marami raw ang sumapi sa kaniya at pinayagan umano ito ni Lenlen. Pinagagamit daw talaga ni Lenlen ang kaniyang sarili sa maraming elemento.

Nabanggit pa na may mga pinapapunta raw si Lenlen sa isang lugar na 'hindi taga-roon' at pinapupunta roon sa pamamagitan ng bus na may bayad na 500.

Maya-maya, sinita ni Juliana ang pari kung bakit naka-eye liner ito at kung bakit ngumiwi-ngiwi ang mukha. Naturingan daw na pari pero kung ano-ano raw ang ginagawa, paano na raw ba ang mga may kapansanan, na-stroke, may palsy, may syndrome.

Maya-maya, sinabi ng espiritista na may mga nakikita raw siyang 'taong lobo' sa kaniyang balintataw.

Nang tanungin nina Juliana at Roanna kung ito ba ay mga 'werewolves', sagot ng espiritista, "Sila yung mga taong may dalang lobo sa rally, na kapag nag-top shot ka day, from the aerial view, puno! Fillers kumbaga. So parang ang dami-daming tao, taong lobo."

Maya-maya, dumating si Senadora Imee Marcos na may kasa-kasamang 'kapitana' na siya raw makapagtatanggal sa sumasanib na kaluluwa kay Lenlen.

"Ikaw ba yung nagpapa-motorcade kahit bawal pa? Ikaw ba yung dahilan kung bakit hindi ma-release ang pondo ng mother leaders kung di aattend sa mga pautot mo? Ikaw ba yung wala nang magawa simula nang tumakbo sa 1,700 islands kundi ang mag-emote!" sabay sampal ng kapitana kay Lenlen.

Maya-maya, nagpalipat-lipat ang masamang espiritung sumasanib umano kay Lenlen kina Roanna at Juliana at nag-finger heart at nag-hadouken.

May-maya, lumutang si Lenlen at nagtatransform daw bilang isang 'drone'.

Habang isinusulat ito ay may 1.2M views na ang naturang video.

Noong Marso 6, umere ang episode 1 na may pamagat na 'I Know What You Did Last Summer 2016'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/06/episode-1-ng-the-exorcism-of-len-len-rose-lumabas-na-i-know-what-you-did-last-summer-2016/