Kahit wala pa ring sumasalong koponan sa kanya sa Philippine Basketball Association (PBA) nang mag-expire ang kontrata nito sa NorthPort Batang Pier kamakailan, nahulog naman ang puso ni dating Barangay Ginebra player Sol "Sol Train" Mercado sa isang magandang dilag sa katauhan nidating Miss Universe PH candidate Sandra Lemonon.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes isinapubliko nito ang larawan nila ni Lemonon kung saan suot din ng huli ang malakinghuge grandidierite ring bilang tanda ng nalalapit nilang pagpapakasal.

"Everything that is YOU @sandralemonon, is all I ever needed! [Two hearts, one soul]" bahagi ng Instagram post ni Mercado nitong Marso 14 ng umaga.

Hindi rin pinalampas ng mga dating teammates ni Mercado sa Barangay Ginebra at NorthPort Batang Pier ang nasabing pagkakataon at agad itong binati.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Nitong Linggo ng gabi, nag-post na rin sa social media si Lemonon at sinabing:"[To infinity] with you. I love you" na ang pinatutungkulan ay si Mercado.

Matatandaang inilabas nila sa publiko ang kanilang relasyon noong Setyembre ng nakaraang taon.