Ikinasal na ang engaged couple na sina Daryl Ong at Dea Formilleza noong Sabado, Marso 12, sa The Emerald Events Place sa Antipolo.

Matatandaang naging usap-usapan ang kanilang engagement na inspirasyon mula sa hit Korean drama na 'Crash Landing On You'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/26/daryl-ong-at-fiancee-na-si-dea-formilleza-crash-landing-on-you-ang-peg-sa-prenup-photoshoot/

Dalawa sa mga malalapit na kaibigan nila sa showbiz na sina Liezel Garcia at Michael Pangilinan ang dumalo sa kanilang kasal.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang nakuha ng singer ang matamis na oo ng kaniyang nobya na dating Kapuso artist sa pamamagitan ng isang livestream noong Hulyo 2021. Limang taon na ang kanilang relasyon bilang mag-jowa.

"5 yrs. in the making, kung kasama pagiging magkaibigan almost 10 yrs. Di ko na ikukwento or ipapaliwanag pa nang pagkahaba-haba kung bakit ko siya niyaya magpakasal, ang alam ko lang, papakasalan ko ang aking pinakamatalik na kaibigan. At sobra akong pinagpala na kami ang nagkatuluyan at magiging magkasama hanggang sa huli," ani Daryl sa kaniyang IG post noong Hulyo 31, 2021.

Basahin: BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/01/5-years-in-the-making-daryl-ong-engaged-na-sa-longtime-gf/

Mapapanood naman sa kaniyang YouTube channel kung paano binulaga si Dea.

"It’s been a week since we got “officially” engaged. I still get very excited pag naiisip ko na I’m finally marrying the love of my life. Prayed so hard for this! ???" saad naman ni Dea sa kaniyang IG post.

"Thank you, my love, for making me the happiest. I can’t wait to spend forever with you. You are my dream come true."