Hindi nagustuhan ng komedyante at dating TV host ng 'Eat Bulaga' na si Gladys Guevarra o kilala rin sa palayaw na 'Chuchay', ang ginawa umanong paninita ni Megastar Sharon Cuneta, sa pag-awit ni senatorial candidate Salvador 'Sal' Panelo sa kaniyang signature song na 'Sana'y Wala Nang Wakas', sa isang LGBTQIA+ event ni vice presidential candidate Sara Duterte sa Quezon City noong Huwebes, Marso 10, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Agad na humingi ng dispensa si Panelo kay Mega at sinabi niyang kaya lang naman niya kinata iyon ay para magbigay ng harana sa mga dumalo; isa pa, iyon daw ang alay niyang awitin para sa yumaong anak na si Carlo Panelo III, na may Down Syndrome.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/salvador-panelo-kay-sharon-cuneta-i-will-continue-to-sing-the-song/

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon kay Chuchay sa kaniyang Facebook post noong Marso 13, naka-relate much siya kay Panelo dahil may pinsan at pamangkin siyang may Down Syndrome. Bukod doon, may anak din siyang may Autism.

Screengrab mula sa FB/Gladys 'Chuchay' Guevarra

"Bilang may pinsan at pamangkin akong may Down Syndrome, may pamangkin din ako at may anak akong may Autism . . . Sinasaluduhan at nirerespeto ko si Senator Panelo hindi sa kahit ano pa mang political reasons. Pero sa pagiging Amazing Father niya," aniya.

Ipinahayag din ni Chuchay na mataas ang respeto at idolo niya si Ate Shawie noon pa mana, kaya isa rin siya sa mga nadismaya sa mga ipinahayag nito laban kay Panelo.

"Dati idolo ko si Sharon Cuneta, tuwang tuwa pa ko ng magkaroon ako ng pagkakataong makilala sya ng personal noon sa Eat Bulaga. Nakakapanghinayang lang, at tama naman din yung isang nabasa ko."

Sinira daw ni Mega ang ilang dekadang iniangatan niya ang kaniyang magandang imahe dahil lamang sa isang 'nakadidiring' social media posts.

"Sayang yung ilang dekadang binuo mo at pinaka ingatang magandang imahe, sinira mo lang sa iisang nakakaidiring post at negative reaction mo sa ginawang pag awit ni Senator Panelo sa kanta na sinasabi mong dapat ipinaalam sa'yo. I used to have so much respect sayo Mega, bilang mang aawit din ako."

Huling banat pa ni Gladys, "Ngayon, malinaw pa sa mineral water na nakita ng lahat ang tunay mong ugali…"

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Megastar tungkol sa mga negatibong komentong natatanggap niya sa isyung ito. Burado na rin ang kaniyang Instagram post laban kay Panelo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/13/sharon-kumambyo-binura-ang-ig-post-laban-kay-sal-panelo/

"Nanang ko po please lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. LOL," aniya sa kaniyang Instagram post, na ngayon ay burado na.