Kung titingnan si Kapuso host Iya Villania ng '24 Oras' at 'Mars Pa More', sinong mag-aakalang apat na ang mga chikiting nila ng mister na si Drew Arellano?

Napanatili kasi ni Iya ang kaniyang fresh, youthful look kaya hindi raw masisisi si Drew kung pumang-apat pa ito, or more!

Pagbabahagi ni Iya sa isang panayam, habang nanganganak at umiiri daw siya noon sa kanilang pangatlong baby na si Alana Lauren, sa isip-isip daw niya, hindi na ito mauulit pa, dahil sa hirap ng panganganak.

'Goal' na para kay Iya ang tatlong anak na sina Primo, Alonzo, at Alana Lauren, subalit habang lumalaki raw ang mga ito, parang bigla raw nagbago ang desisyon niya. Kaya naman masayang-masaya sila nang malaman nilang mag-asawa na may ikaapat na anghel na darating sa kanilang lumalaking pamilya, noong Enero 2022 na ibinahagi kaagad nila sa social media.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang panganay daw nilang si Primo, gusto na sana raw ay baby sister ang ipinagbubuntis ni Iya.

“I clearly remember noong iniri ko si Alana, yung iyak ko, ‘Yes iniri ko siya but it was also yes hindi na ‘to mauulit pa. Finally puwede ko nang tapusin itong panganganak na ‘to dahil hindi siya madali,'" pagbabahagi ni Iya.

May pa-testimonya naman siya na talagang kapag nakikita mo na ang mga junakis mong nagsisilakihan bilang isang magulang, parang 'nakakaadik' daw na umisa pa. Masaya raw kasi talaga ang maging mommy kahit mahirap umiri.

“But as we were watching them grow, lalo na with Alana’s age now nakikita namin na she’s interacting with her brothers tapos yung personality niya lumalabas. Naging trap, eh. I’m telling you, you get to three kids and it’s a trap. You will want to have more. Ganoon siya."

"Wala eh, the energy, the love, the joy that they bring, it’s so addictive that you just want to have more babies. Kaya hindi na nagulat si Drew,” natatawang sey pa ni Iya.

Ngayong magiging apat na ang mga anak nila ni Drew, alam na alam na niya kung ano-ano ang mga gamit na kailangang-kailangan sa hindi naman talaga kailangan. Naranasan daw niya kay Primo noon na nag-over prepare sila ni Drew; kung ano-ano raw ang mga pinagbibili nilang baby things, pero nang di naglaon, napagtanto nilang hindi naman pala kailangan.

Malaki ang pasasalamat ni Iya sa kaniyang mister na si Drew na siyang umaagapay sa kaniya upang maalagaan ang kanilang mga anak.

Minsan daw, kapag si Drew ang nagdidisiplina sa mga anak, siya naman daw ang tatahimik. Kapag siya naman ang mala-'bad cop' sa mga anak, si Drew naman daw ang malumanay, bigayan lang daw kumbaga. Kaya naman, maraming humahanga kay Iya dahil napagsasabay-sabay niya ang pagiging career woman, ina, at asawa pero looking young and fresh pa rin!