Nauna nang nailahad sa Balita Online ang pagbibitiw ng Kapamilya actor na si Kiko Estrada bilang bahagi ng cast ng 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series' dahil ayon umano sa chika, naliitan umano siya sa role niya bilang ka-love triangle ng mga bidang sina Joshua Garcia at Jane De Leon, na agad namang pinalitan ng award-winning actor na si Paolo Gumabao.

Isa 'yan sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa March 10 episode ng 'Ogie Diaz Showbiz Update'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/kiko-estrada-tsugi-na-raw-sa-darna-dahil-najutayan-sa-role-sinong-pumalit/">https://balita.net.ph/2022/03/10/kiko-estrada-tsugi-na-raw-sa-darna-dahil-najutayan-sa-role-sinong-pumalit/

"Naliitan pa siya ro'n?" gulilat na tanong ni Mama Loi.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Oo," tugon naman ni Ogie. "Kaya nga nangarag sila, nangarag sila , kaya bigla-biglang hinanapan siya ng kapalit. Ang naharap raw na kapalit ay si Paolo Gumabao."

Pero sabi naman ni Ogie, wala naman daw maliit o malaking role. Lahat daw ay mahalaga sa isang pelikula. Ginawa pa niyang halimbawa ang yumaong si Eddie 'Manoy' Garcia na hindi naman masyadong conscious sa billing.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/kiko-estrada-tsugi-na-raw-sa-darna-dahil-najutayan-sa-role-sinong-pumalit/

Hangad nila, sana raw ay hindi makaapekto sa career ni Kiko ang pagbibitiw na ito, lalo't tiyak na naapektuhan nito ang mga nauna nang episodes na nai-tape na; syempre daw, kailangang ulitin ang mga eksena na naroon siya para mapalitan ito.

Wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Kiko, ang JRB Creatives and Productions o ang ABS-CBN tungkol dito, subalit umani na ito ng kritisismo mula sa mga netizen.

"May attitude na ha. D pa man sikat. Dami gusto makasama si Joshua sa isang project. At ka-love triangle pa tinanggihan lang.”

"Gusto yata siya lilipad bilang DARNA, CHARR but Paolo Gumabao must deserve the role good choice.”

"Actually mahina naman si Kiko umarte eh, pero oo gwapo naman siya at may appeal or omg di kaya baka gusto mo rin maging si Darna?"

"O baka ayaw lang ng second lead siya. Wala pa naman siyang napatunayan ah, he is not worth.”