Hindi pinalampas ni Kapuso actress Bea Alonzo ang mga hirit ng kanyang bashers at ginawan pa ito ng sariling content sa kanyang pinakahuling YouTube upload.

Nag-react ang aktres sa mga “mean tweets” sa kanyang latest content nitong Sabado, Marso 12. Sinimulan ng aktres ang paratang na iniwan niya ang kanyang home network, ang ABS-CBN at ang Star Magic matapos nito “madapa” kasunod ng kanyang pag-o-ober da bakod noong 2021.

“Nadapa lang ang nag-alaga sa’yo, iiwan mo na lang. Hindi ba pwede na aakayin mo para makabangon?” saad ng netizen.

Tugon ni Bea, s’yempre alam mo madali sa ’tin magcomment ‘di ba kapag hindi natin alam ang nangyayari. Well, I acknowledge your comment. You are entitled to your own opinion but that doesn’t make it true,” saad ni Bea.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

“Marami pong nangyari at maraming dahilan. Lahat kami ay okay. Sana okay ka rin,” natatawang dagdag ng aktres.

Muli pang humirit ang isang comment ng netizen sa parehong isyu na sinagot din muli ni Bea.

“Alam mo hindi siya madaling desisyon, super tagal kong pinag-isipan and I have my own reasons for it. I wish maisa-isa ko sayo pero hindi ko na kailangan gawin. I don’t have to explain myself,” ani Bea.

Isang mahabang komento naman ang sunod na binasa ni Bea kung saan giit nito na ginamit lang umano niya ang kanyang on-screen partner na si John Lloyd Cruz para sa publicity sa loob ng 20 taon.

“Magkasama kami sa 20 years so parang in a way we both benefitted from the partnership, for me it’s a partnership more than anything,’’ agad na reaksyon ni Bea.

“It’s a friendship, and sa friendship pareho kayong nagbebenefit dun, it’s not a one-way treat,” dagdag ng aktres.

Pinabulaanan din niya ang punto ng netizen na nagpapagamit umano siya sa boyfriend na si Domique Roque.

“Kapag nagka-jowa ako, ibig sabihinh, ginagamit lang ako o ginagamit lang ako. Sana okay ka, kasi okay kaming lahat,” natatawang reaksyon na lang ni Bea.

Hindi rin nakaligtas ang aktres sa kanyang brand new appearance sa All Out Sunday kung saan una siyang napanuod at napakinggang kumanta. Ayon sa isang netizen, nakakairita umano ang boses ng aktres.

“True din naman," saad ni Bea na hindi mapigilang matawa.

"Ako rin naman ayoko ding kumanta. Pero ganon talaga ang buhay, it’s part of the job so pasensya na,” natatawang sabi ni Bea.

REACTING TO MEAN TWEETS ABOUT ME | Bea Alonzo

Ilan pang aspeto sa buhay ng aktres ang napintasan ng online bashers kabilang na ang kanyang pagiging “trying hard” umano sa vlogging.

Isang taon mula nang maging aktibo sa Bea sa YouTube, tumabo na ng higit 119,000,000 views ang kanyang channel.