Sumalang ang misis ni presidential candidate at Senator Manny Pacquiao na si dating Sarangani vice governor Jinkee Pacquiao, sa panayam ni King of Talk Boy Abunda na 'The Interviews Of The Wives And Children Of The 2022 Presidential Candidates' para naman sa panig ni Pacquiao, na umere noong Marso 11, 2022.

Kasamang sumalang ni Jinkee sa panayam ang dalawang anak na babae nila ni Manny na sina Queen Elizabeth o 'Queenie' at Mary Divine Grace Pacquiao.

Screengrab mula sa YT/Jinkee Pacquiao

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, handa nang ipakilala si Kyline Alcantara sa pamilya niya

Aminado si Jinkee na kung ikukumpara sa naging kampanya ni Manny sa pagkasenador, mas busy siya ngayon dahil talagang sinasamahan niya ang mister sa pangangampanya. Ang role daw niya sa kampanya ay pag-entertain sa mga tao sa pamamagitan ng pagkanta, o kaya naman ay pagsasalita at panghihikayat na iboto ang kaniyang mister sa 'highest position in the land'.

Isa sa mga naungkat ni Boy ay ang pagiging vice governor niya noon. Pambubuking ni Jinkee, noong tumakbo siyang vice governor ay napilitan lamang siya, dahil hindi raw magkasundo ang dalawang partidong nais tumakbo sa parehong posisyon. Kaya nang imungkahi raw ni Manny na siya na lang, ay pumayag naman siya. At least daw ngayon, naiintindihan na niya ang mundo ng politika.

"Nagpapasalamat ako sa Panginoon na naranasan ko iyon." saad pa niya.

Noong una raw ay nahirapan siya dahil may mga termino o salita raw siyang hindi niya maintindihan, pero dahil na rin sa kaniyang pagsabak ay unti-unti naman daw siyang naka-adapt dito.

"Noong time na 'yun, beginner talaga ako, neophyte, wala pa akong masyadong naiintindihan, yung mga terms sa politika, kung paano mag-preside, so mahirap din," pag-amin ni Jinkee.

Pero ang tanong, bakit hindi na siya nagpatuloy?

"Yung mga tao sa Sarangani, gusto pa akong magpatuloy. Pero ako, for me, kailangan kong alagaan ang pamilya, kasi I have 5 kids, so mahirap 'yun eh. Siguro kung isa lang ang anak ko, puwede 'yun. Isa, dalawa… pero inisip ko, ayokong maging busy si Manny and then ako rin… gusto ko yung maibigay ko talaga ang panahon ko sa kanila," sey ng dating bise gobernadora.

Ayaw daw niyang dumating sa punto na pagsisihan niyang nawalan siya ng oras sa mga anak niya.

"Syempre kailangan ng pagmamahal, quality time sa mga anak… importante kasi 'yun eh," aniya.

Naging bise gobernadora si Jinkee sa Sarangani, General Santos City mula 2013 hanggang 2016.