Mainit ang mga pahayag ng social media influencer na si Inah Evans o mas kilala bilang 'Ate Dick' laban sa mga content creators na gumagawa ng mga basurang content.

Sa naganap na grand rally ng tambalang Leni-Kiko sa Isabela, Marso 12, 2022, isa sa mga host si Ate Dick kasama ang kapwa social media influencer na si 'Krissy Achino', impersonator ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ang model-actor na si Alex Diaz.

Sa parte ng kanyang talumpati, inihayag ni Ate Dick sa harap ng mga Kakampink na may mga content creators na basura at ang mga talent nito ay nagiging basura na rin.

“Tayong mga Kakampink, guide natin ang isa’t isa. Huwag na tayong maging guide sa maling paraan. Di ba may mga ibang content creators na direktor na gumagawa ng mga basurang content, ngayon pati mga talent niya, nagiging basura na rin," hayag ni Ate Dick.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nagkomento naman ang kasama nito na si Krissy at sinabing “Yuck naman 'yan”.

“Yuck talaga siya. Tama?”, dagdag ni Ate Dick sabay sabing, “When I say Darryl, you say?” at tumugon naman ang mga Kakampink ng “Yuck”.

Sa isang Facebook video kung saan mapapanood ang mga eksenang ito, napakomento naman ang direktor na si Darryl Yap, bagama't hindi naman tinukoy na siya ang direktang pinariringgan.

“Sino sila? Muntik na kong matawa," aniya.

Si Darryl Yap ang direktor sa likod ng ‘Lenlen’ series kung saan itinampok sila Juliana Parizcova Segovia, Roanna Marie Mercado, at Senadora Imee Marcos.

Samantala, ngayong Marso 13 naman ang pag-ere ng episode 2 ng 'The Exorcism of Lenlen Rose' na pinamagatang 'The Curse of Maria Magdalenlen'.