Napa-wow na lamang ang mga netizen sa birthday photoshoot ng aktres na si Julia Barretto para sa kaniyang 25th birthday, na kinunan ng photographer na si BJ Pascual.

Dahil 25 na si Julia, ang naging tema niya ay 'silver year' kung saan makikitang nababalutan ng glittery silver ang kaniyang katawan at blonde bob din ang kaniyang hairstyle na talaga namang ibang-iba sa kaniyang look. Nakatakip sa kaniyang dalawang boobelya ang dalawang kamay niya. Nakatago naman ang bandang 'pintuan ng langit' na inipit niya sa kaniyang kanang binti.

Bumubuo sa kaniyang glam team sina Robbie Pinera para sa make-up, Raymond Santiago para sa hair, Cath Sobrevega at Riri Verano para sa styling, at si Justine Arcega-Bumanlag para sa production design.

May mga litrato pa siya na nakahiga naman at may caption na 'Silver Year'.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Screengrab mula sa IG/Julia Barretto

Screengrab mula sa IG/Julia Barretto

Ngunit kapansin-pansin din na halos nagkasabay sila ng IG posts ni Bea Alonzo na di rin naman nagpakabog sa kaniyang 'disco vibe' pictorial na talaga namang nagpaliyab sa kaniyang mga tagahanga. Kapansin-pansing halos pareho sila ng kulay ng damit ni Julia sa photoshoot. Halos pareho rin ang tabas ng kanilang buhok, nagkaiba nga lang sa kulay.

Screengrab mula sa IG/Bea Alonzo

Screengrab mula sa IG/Bea Alonzo

Hindi man sinasadya, kaniya-kaniyang papuri naman ang mga tagahanga nila sa pasabog na photoshoot na kanilang ibinahagi sa IG.