Bago pa man ang isyu ng paninita ni Megastar Sharon Cuneta kay senatorial candidate Salvador Panelo kaugnay ng pag-awit nito ng 'Sana'y Wala Nang Wakas' sa isang LGBTQIA+ community event ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte sa Quezon City, may matindi muna siyang 'laban' na pinagdaanan.

Naibahagi ni Shawie sa kaniyang Instagram account na nagpa-root canal pala siya sa isang ospital sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

Kitang-kita sa video na composed pa rin ang Megastar habang nakahiga na sa dental chair at abangers na sa gagawing treatment sa kaniya.

Pag-amin niya, takot pala siya sa dentista.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Please pray for me. Am about to get a root canal now," saad niya sa caption.

Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta

“Hi, everybody. I know this is TMI (too much information) but I’m really scared. I’m going to get a root canal [extraction] today. I’m nanginginig,” sey ng Megastar sa video.

Sinamahan siya ng kaniyang hipag at family dentist na kaanak din nila.

“Come here, Ate. I need your moral support to hold my hand. Natatakot. Please pray for me. I’m not matapang sa dentista," aniya.

Napakomento naman dito ang anak na si Frankie 'Kakie' Pangilinan na 'MOMMY?!' na all-caps pa.

“Anyare na naman maaam?” tanong pa nito.

"Babaaaaaaa”, tugon naman ng mama niya.

Mukhang naging maayos naman ang 'pagkalikot' ng dentista kay Shawie. sa katunayan, tuloy-tuloy ang pagsama niya sa pangangampanya ng kaniyang mister na si Senador Kiko Pangilinan, bilang running mate ng tumatakbo sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo.

Ngiting-wagas pa nga si Mega sa recent at latest Instagram post niya sa Instagram kung saan nakangiti siyang nagsabi na pupunta ang kanilang team sa Isabela.