Simula nang mag-anunsyo ng kaniyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa si Vice President Leni Robredo ay nagpahayag na ng kaniyang pagsuporta si dating Kapamilya-turned-Kapuso comedian na si Mamang Pokwang o Marietta Subong-O'Brian, at isa rin siya sa mga celebrity na walang takot na nagpapahayag ng kaniyang mga reaksyon at komento hinggil sa mga pangyayaring-politikal sa bansa.

Bukod sa screen name na Pokwang ay kilala rin siya sa taguring 'Pokie'. Nitong Marso 11 ay nagdulot ng katatawanan sa mga netizen ang hashtag niya, na ibinahagi niya sa kaniyang Twitter account.

"Goodmorning……. #PinkAngPokienyongLahat ?????" ayon sa kaniyang tweet, kalakip ang litrato na nagpapakitang nakasuot siya ng pink na damit at pink na face mask, habang naka-finger heart. Mukhang nasa loob siya ng isang sasakyan at hindi naman tinukoy kung saan siya papunta.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Screengrab mula sa Twitter/Pokwang

Isa sa mga celebrity na nagkomento sa kaniya ay si dating Pinoy Big Brother housemate at miyembro ng GirlTrends na si Dawn Chang, na isa ring certified Kakampink.

"Hahahah the best ka talaga mama Pokie. ?" aniya.

Nagpalit din ng kaniyang display photo o DP si Pokie, na ang nakalagay ay 'Ka Pinkwang'.

Image
Screengrab mula sa Twitter/Pokwang

Marami sa mga Kakampink ang humihiling na sana raw ay makasampa sa entablado sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem ang mahusay na komedyante, na in fairness ay hindi nababakante ng proyekto simula nang umober da bakod sa Kapuso Network, huh!

Samantala, marami naman ang nagkumpara kay Pokwang sa kapwa Kapuso star a Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, na itinanggi ang mga fake news na nag-uugnay sa kaniya kay VP Leni. Itinanggi niyang tagasuporta siya nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/tanging-ina-ka-sino-ka-mang-gumagawa-ng-mga-kacheapan-hindi-ako-vp-leni-supporter-ai-ai-delas-alas/

"Utang na loob NANAHIMIK AKO wag n'yo akong masali-sali sa mga ganito.. tahimik buhay ko.. lahat na lang… huy!!! Tanging Ina ko pa picture 'yan, tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong kacheapan… Pls. hindi po ako VP LENI supporter .. #panahonpanimatusalemangpicturenayan #iwantpeace #iwantunity #silenceisdeadly," sey ni Ai Ai.