Kasunod ng diretsahang pagbubunyag ni Rey “PJ” Abellana, ama ni Carla Abellana, kaugnay ng umano’y pakikipag-one-night stand ni Tom Rodriguez, inalmahan ng netizens ang tila pagdepensa pa nito sa manugang.

Magkahalong gigil at lungkot ang naramdaman ng netizens kasunod ng balita na nagtaksil umano si Tom kay Carla, sa pagbubulgar na mismo ng ama ng aktres noong Biyernes.

Hindi naman pinalampas ng netizens ang tila pagdepensa pa ng ama sa pagtataksil ni Tom sa kanyang anak sa pagsasabing hindi maituturing na third party ang isiniwalat na kinasangkutang one night stand ng aktor.

“Honestly speaking, hindi po natin mako-consider na third party. Kasi po ang pangyayari, one night stand eh. So hindi po natin yun kino-consider na third party,” ani PJ.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Dagdag pa nito, “medyo normal” umano sa buhay ng mga lalaki ang nasabing insidente.

“Inaamin ko na ‘yan [pagkatukso] bilang lalaki ako. Ako way back, nangyayari din po ‘yan sa akin. Medyo normal po ‘yan sa buhay ng mga lalaki. Kaya naiintindihan ko po 'yan.” tila depensa pa ni PJ kay Tom.

Giit ni PJ, para sa kaniya, hindi mortal sin ang tukso.

“[Ang] nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin para sa akin. Bilang isang totoong tao, [sa] natural na tao lang po nangyayari [ang] mga ganyang bagay, natural sa buhay ‘yan,” dagdag ng ama.

Basahin: Tom, nakipag-one-night stand, sey ng ama ni Carla; kasarian ng aktor, naungkat din – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman nagustuhan ng netizens ang naging pahayag ng ama na umano’y lalo lang naglugmok sa sitwasyon ng anak. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

Screengrab mula Facebook

Screengrab mula Facebook

Screengrab mula Facebook

Screengrab mula Facebook

Screengrab mula Facebook

Screengrab mula Facebook

Screengrab mula Facebook

Screengrab mula Facebook

Screengrab mula Facebook

Screengrab mula Facebook