Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang nanalo sa mahigit sa ₱76 milyong kabuuang jackpot sa Ultra at Mega lotto draw nitong Biyernes.

Sa resulta ng 6/58 Ultra lotto draw, hindi nahulaan ang winning combination na 13-42-49-30-26-27 na may nakalaang premyong ₱63,412,013.00.

Hindi rin napanalunan ang jackpot na ₱13,277,158.40 para sa winning combination na 22-34-16-05-11-03 sa bola ng kanilang 6/45 Mega lotto nitong Marso 11 ng gabi.

Idinagdag pa ng PCSO na inaasahang tataas pa ang premyo ng mga ito sa mga susunod na draw

National

DOJ, nagbabala vs pekeng socmed account ng Office of Cybercrime