Agad na nag-trending sa Twitter ang pangalan ni 'The Voice Kids' of the Philippines season 1 Grand Champion Lyca Gairanoid, matapos maispatan ng mga netizen ang pangalan niya na isa sa mga magpe-perform sa gaganaping campaign rally at motorcade ng UniTeam sa Las Piñas City sa darating na Linggo, Marso 13, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/16/from-basurera-to-singing-grand-champion-biritera-kumusta-na-nga-ba-si-lyca-gairanod/

Ibinahagi ito ng kongresistang si Camille Villar, kapatid ng tumatakbong senador sa ilalim ng UniTeam na si Mark Villar.

"Magkita kita po tayo ngayong Linggo Las Piñeros!" saad sa caption ng art card na ibinahagi ni Villar. Bukod kay Lyca, nakalinya rin sa mga celebrity na magtatanghal para sa audience ang mga bandang Silent Sanctuary, Hale, Plethora, at sina Andrew E at Toni Gonzaga.

Tsika at Intriga

Manunulat kay Deanna Wong: 'Don’t act like you’re untouchable!'

May be an image of 3 people, people sitting and text that says 'YNARAM INDAY SARA BONGBONG RMA ลาดง MARCOS VICE-PRESIDENT DUTERTE PRESIDENT yΝΤΕΔΜ SAMA-SAMA TAYONG SAMA-SAHATAYONGBABANGONMUU BABANGONMULI BABANGON MARCH 13, 2022 2PM MOTORCADE 4PM RALLY THE TENT GLOBAL SOUTH LAS PIÑAS RALLY AND MOTORCADE FEATURING: SILENT SANCTUARY, LYCA GAIRANOD, ANDREW E, TON GONZAGA, , PLETHORA'
Screengrab mula sa FB/Camille Villar

Marami sa mga netizen ang nakiusap na huwag sanang i-cancel ng ibang mga tagasuporta ng ibang kandidato si Lyca. Una, menor de edad pa lamang ito at hindi naman daw botante. Pangalawa, ito raw ay trabaho para kay Lyca.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Lyca is too young. She might need this 'gig' money wise. Shaming and cancelling her is sooooo wrong. Please lang, be the sensible and understanding Kakampink."

"Cancel culture, not Lyca please."

"Lyca Gairanod is too young for this stuff. Dumaan tayo sa phase nyang di mulat at walang solid na political background. Do not cancel her."

"I will not cancel Yyca kung kakanta siya sa rally …why? She's a minor, she is not a voter, she needs the money since she is inactive sa showbiz, I believe na trabaho lang 'yan at di siya apolohista, and we can still educate her."

"Cancel culture. Not Lyca please. She is a breadwinner. She's a minor. Let her work for her family."

"Why do you all need to cancel Lyca? Yeah, she's a minor but we don't even know her reason why she will attend the rally. Probably, she needs money for her family. What else makes you angry about her? Yeah I'm a BBM supporter but it doesn't mean that I see Lyca as a BBM supporter too."

"Ang dapat sisihin diyan yung manager na may hawak sa kaniya, siya yung adult eh."

Matatandaang noong 2021 ay pinag-usapan si Lyca dahil sa reaksyon nila ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, nang malaman nitong pareho sila ng birthday. Dahil dito, sabay silang nagdiwang ng kanilang kaarawan noong Nobyembre 21, 2021.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/21/karen-davila-at-lyca-gairanod-tinotoo-ang-sabay-na-b-day-celebration/

Samantala, wala pang pahayag si Lyca tungkol sa isyung ito.