Ang haba naman talaga ng hair ng komedyanteng si Chad Kinis dahil 9 na buwan na pala sila ng jowang negosyante-model na si Nikko Chua.

Sa Instagram post ng guwapong jowa, nagbigay ito ng makabagbag-damdaming mensahe para sa kaniya.

Chad Kinis at Nikko Chua (Larawan mula sa IG/Nikko Chua

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Chad Kinis at Nikko Chua (Larawan mula sa IG/Nikko Chua

"Hi babe, Happy 9th! Hindi man tayo nagkakasama sa kadahilanan na alam natin sa isa’t isa. Always remember that you will always be number one in my heart & mind," ayon kay Nikko.

Aminado si Nikko na maraming pagsubok ang dumaraan sa kanilang mag-jowa pero alam niyang malalagpasan nila ang lahat ng ito. Kaunting panahon na lamang at anibersaryo na nila.

"Marami man pagsubok ang dumarating sa ating dalawa, always put in your mind that our relationship will be strong & will last as long as we are each other’s safe place & we both knew that no one could ever break our bond."

"We will be together in good times & in bad. I love you babe ko!"

Syempre, tumugon naman dito si Chad Kinis, "Happy 9th babe, I love you!"

Noong Setyembre 2021, binasag ni Chad Kinis ang kaniyang katahimikan sa mga taong patuloy na kumukuwestyon sa relasyon nila ng kaniyang boyfriend na si Nikko Alano Chua, na unang naisapubliko noong Hunyo 17, 2021. Ginawa niya ito sa panayam kay showbiz columnist Ogie Diaz.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/14/chad-kinis-hinggil-sa-kaniyang-lovelife-hindi-ka-dapat-mainggit/

Ayon kay Chad, nagkakilala sila sa Instagram. Nang mga panahon na iyon ay tinamaan ng COVID-19 si Chad kaya naghahanap siya ng mga supplements na maaaring makapagpalakas sa kaniyang immune system. Nakita ni Chad ang profile ni Nikko na nagnenegosyo ito ng mga healthy juices at healthy drinks kaya naman nagpadala siya ng direct message dito.

Noong una raw ay talagang 'business transaction' lamang ang dahilan ng kanilang pag-uusap sa Instagram, dahil nga umoorder si Chad kay Nikko. Hanggang sa nangungumusta na raw si Nikko at nag-aya itong kapag bumuti na ang lagay ni Chad, lumabas sila for a dinner (haba ng hair!). Noong mga panahong iyon ay wala namang 'sabit' o jowa si Nikko.

Hindi naman umano alintana ni Nikko ang mga pang-aalipustang natatanggap niya mula sa mga kumukuwestyon at nagtataas ng kilay sa relasyon nila ni Chad.

"Hindi ko naman po iniintindi, dedma lang po. Basta ang importante kami po, maayos at masaya po, saka totoo po sa isa't isa," ani Nikko, na nakapagpakilig naman kay Chad at Ogie.

"Wala namang dapat kaiinggitan. Lahat tayo may oras at may taong darating para mahalin ka. Lahat naman kasi tayo kamahal-mahal. Lahat tayo may karapatang magmahal at may karapatang mahalin. So hindi ka dapat mainggit, innstead, ma-inspire ka… Si Chad nga nagkaroon, so hindi tayo dapat sumuko. May tamang tao na darating para sa atin," pahayag ni Chad.

Dagdag pa niya, "Kung ako nga na hindi naman good-looking , may nagmahal sa akin. Lahat tayo, darating sa punto ng buhay natin na may tatanggap sa atin kung sino at ano tayo…it's a beacon of hope!"

"I-enjoy ang mga bagay na nagpapasaya sa 'yo, mga nagpapakilig sa 'yo, at may humahawak ng kamay mo at nagsasabing mahal na mahal ka. Huwag mong pagdudahan ang love kasi hindi mo talaga ma-eenjoy 'yan. Ikaw mismo ang gagawa ng ikasasakit ng sarili mo," paliwanag pa ni Chad.