Nagbigay ng mga eksklusibong detalye ang aktor na si PJ Abellana, ama ni Carla Abellana kaugnay ng umano’y paghihiwalay ng kanyang anak at ni Tom Rodriguez.

Sa kanyang guesting sa Cristy Ferminute nitong Biyernes, Marso 11, tila nakorner si PJ ng batikang showbiz commentator na si Cristy Fermin at natanong ang batikang aktor ukol sa hiwalayan ng Kapuso couple na ilang buwan na ring pinagpipyestahan ng mga Marites online.

Nagulat umano si PJ nang unang pumutok ang hiwalayan ng dalawa nitong noong Enero.

“Partikular na isa akong magulang, syempre malaking gulat sa akin yun. Agad na minessage ko ang anak ko si Carla, pinilit kong alamin kaagad. Kung 'bakit ito nakarating na sa akin, may lumalabas na issue tungkol sa inyong mag-asawa.' Gusto kong alamin, sabi ko, 'kung ito ay issue lang ba ito ng showbiz, may laman ba 'to o wala,’" ani PJ.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Hindi rin umano agad nag-reply si Carla sa unang mensahe ng ama dahilan para isipin ni PJ na may basehan nga ang kumakalat na mga isyu.

“Nung unang minessage ko ang anak ko, hindi agad nag-reply. Alam niyo, dun pa lang na hindi agad nakapagreply yung anak ko si Carla eh pumasok sa isipan ko na may laman yung isyu na to tungkol sa kanila,” saad ni PJ.

Gayunpaman, hindi pa rin nito agad nakuha ang side ni Carla kaya’t nanatili siyang tahimik sa isyu.

"After few days, nag-reply na po si Carla sa akin. Ganito ang pagkakasabi ng anak ko sa akin, ‘Tom and I are not okay. Anyway papa, we would people to give us the respect,’” ani PJ.

Nakiusap din umano ang anak na huwag na munang magsalita sa press at hayaan na sila ni Tom ang mag-settle sa isyu.

“To this point, hindi pa rin po malinaw sa akin ang mga bagay-bagay sa mga pangyayari sa kanila kasi hindi ko rin po nakakausap si Carla,” ani PJ.

“Hindi ko po sinasabi na hiwalay na ang anak ko sa kanilang pag-aasawa. Hindi ko sinasabi na hiwalay na ang dalawa. Ang point ko dito, kung ano man ang problema nilang mag-asawa ay sine-settle nilang nang sila lang para maayos ito. Dahil hindi sila lulugar sa pagpapakasal para lang maghiwalay,” dagdag ng ama.

Gayunpaman, napaamin si PJ sa isyu umano ng 'infidelity' na ginawa ni Tom kay Carla bagaman hindi pa niya naririnig ang kampo ng anak. Nagkusa umano ang aktor na humarap sa ama ni Carla.

“Honestly speaking, hindi po natin mako-consider na third party. Kasi po ang pangyayari, one night stand eh. So hindi po natin yun kino-consider na third party,” pagbubulgar ni PJ.

“Inaaamin ko na 'yan bilang lalaki ako. Ako way back, nangayayari din po 'yan sa akin. Medyo normal po 'yan sa buhay ng mga lalaki. Kaya naiintindihan ko po yan,” tila depensa pa ni PJ kay Tom.

“[Ang] nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin para sa akin. Bilang isang totoong tao, [sa] natural na tao lang po nangyayari [ang] mga ganyang bagay, natural sa buhay 'yan," dagdag ng ama.

Pinabulaanan naman ni PJ ang mga isyu ukol sa umano’y pagiging miyembro ng LGBTQ community ni Tom dahilan ng hidwaan ng mag-asawa.

Ani PJ, “I don’t think so. Hindi ko po nakikita yan at hindi ko pinaniniwalaan yan,” saad ni PJ. Dagdag niya, patunay ang pagpapakasal ni Tom kay Carla para pabulaanan ang parehong tsismis.

Pinasalamatan naman ni Cristy ang aktor sa pagiging totoo nito sa harap at likod ng kamera.

Bibida si PJ sa pelikulang Mamasapano, kwento ng nasawing SAF 44 sa madugong sagupan sa Maguindanao noong 2015.