Nakakuha rin ang TNT Tropang Giga ng twice-to-beat advantage sa Governors' Cup ng PBA Season 46 nang padapain ang NorthPort Batang Pier, 106-101, sa Smart-Araneta Coliseum nitong Biyernes ng gabi.

Nagpapanalo sa TNT si Mikey Williams nang magpakawala ng dalawang krusyal na three-point shots sa overtime.

Makakalaban ng Tropang Giga ang Barangay Ginebra habang ang Batang Pier ay makakatapatng Phoenix para kanilang do-or-die game sa Big Dome sa Linggo ng gabi para sa huling quarterfinal spot.

Bigla namang naputol ang limang sunud-sunod na panalo ng NorthPort sa pagkakatalonila sa Tropang Giga.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

“I think it prepares us for the tougher games ahead. We know that the games ahead are going to be similar to this.I think it prepares us for the tougher games ahead. We know that the games ahead are going to be similar to this,” sabi niTNT coach Chot Reyes.

Nag-ambag din sa TNT si Jayson Castro sa kanyang 15 puntos at pitong rebounds. Nakakuha naman ang import na siAaron Fuller ng 15 puntos at 20 rebounds

Nalusaw lamang ang kinamadang import ng Batang Pier na si Aamel Artisnanakaipon ng39 puntos at 13 rebounds. Tumulong din sa kanya sina Robert Bolick (22 puntos), Arwind Santos (16 puntos) at Jaime Malonzo na nakaipon ng 13 puntos.