Kung inaakala ninyong mga karaniwang motorista lamang ang umaaray sa pagtaas ng presyo ng gasolina, pati ang mga sikat na celebrity ay umaalma rin.

Kagaya na lamang ng dating Kapamilya-turned-Kapuso actor na si Xian Lim kung saan idinaan na lamang niya sa 'love hugot' ang pagtaas ng presyo ng gasolina para sa kaniyang motorsiklo. Makikita sa Instagram post ng jowa ni Kim Chiu nitong Marso 9, 2022 ang kaniyang litrato kung saan makikitang naka-helmet siya at nanlalaki ang mga mata habang tinititigan ang pagpapa-gaas.

Hugot na lamang niya para hindi ma-bad trip at good vibes na lang, tao nga ay nagmamahal, gasolina pa kaya?

"Wala ba akong karapatan magmahal?! Ang dami-dami ninyong sinasabi??‍♂️. Ayoko na. Pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit. -Gasolina," aniya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Pass muna sa long rides? Kape-kape muna sa kanto ☺️?," dagdag na biro na lamang niya.

Screengrab mula sa IG/Xian Lim

Pati ang mga netizen ay napa-react na lamang lalo na ang mga relate-much.

"Thank you Xian. You're so funny. You make me laugh on my hard day."

"Mahal ng gasolina, pero mas mahal kita. Char!"

"Walking-walking lang muna at kape."

"Time to go back to biking."

"Buti nga ang gasolina, nagmamahal eh. Hahahaha. Ang harot!

Noong Marso 9, ayon sa ulat ng GMA News, ang presyo ng diesel ay ₱12.72/L, ang gasoline ay ₱8.28/L, at ang kerosene naman ay ₱8.88/L. Apektado kasi ito sa lumalalang girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.