Inaasahang madadagdagan pa ang mahigit sa₱97 milyong jackpot sa lotto nang walang nanalo sa magkakahiwalay na draw nitong Marso 9 ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na46-29-30-34-04-20 sa isinagawang 6/55 Grand Lotto draw na may katumbas na premyong₱87,696,656.80.

Wala ring nanalo sa 6/45 Mega Lotto draw na may winning combination na33-17-09-24-22-11 at may nakalaang premyong₱9,829,344.80.

Paliwanag ng PCSO, ang 6/55 Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado dakong 9:00 ng gabi habang ang 6/45 Mega Lotto ay binobola rin tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa kaparehong oras.

National

'A master stroke!' Guanzon, nag-react sa pagbisita ni VP Sara kay Ex-VP Leni

Inaasahan ng PCSO na tataas pa ang premyo para sa susunod na draw ng mga ito.

Sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas, huling naitala ang pinakamalaking premyong₱1.18 bilyon na pinaghatian ng dalawang nanalong mananaya sa naganap na 6/58 Ultra Lotto noong Oktubre 14, 2018.