Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng taas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso.

Sa paabiso nitong Huwebes, sinabi ng Meralco na P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang ipatutupad nilang dagdag-singil para sa March billing.

Gayunman, mas mababa anila ito kumpara sa estimate na pagtataas na P0.80-P0.90/kwh.

Katumbas ito ng₱13 taas sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan habang₱19 naman para sa mga tahanang nakakagamit ng 300 kwh monthly.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasa₱25 naman ang dagdag sa bayarin sa kuryente na may konsumong 400 kwh kada buwan, at₱31 sa konsumong 500 kwh.

Anang Meralco, ang dagdag-singil ay bunsod ng pagsipa ng presyo ng coal at langis sa merkado.