Tila hindi nagustuhan ni Megastar Sharon Cuneta ang paggamit at pag-awit umano ni senatorial candidate Salvador Panelo sa isa sa mga iconic at signature song niya, sa meet-and-greet ni vice presidential candidate Sara Duterte sa LGBTQIA+ groups sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng tweet, ipinahayag ni Mega ang pagkaimbyerna niya sa pag-awit ni Panelo sa 'Sana'y Wala Nang Wakas', isa sa mga signature song niya.

"WHY?!!!Tell me WHY?!!! I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it! Cannot be. Di dapat sinisira ang isang classic. Basta TAYO ANG AT MAY ORIG! Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG! Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya,” tweet ni Sharon nitong Marso 10.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Screengrab mula sa Twitter/Sharon Cuneta

Ibinahagi rin ito ng kaniyang anak na si Kakie Pangilinan.

Ang mister ni Shawie na si Senador Kiko Pangilinan ay running mate ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Samantala, wala pang tugon ang kampo ni Panelo tungkol dito.