Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pandededma at feeling 'sukang-suka' raw si Unkabogable Star Vice Ganda kay Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia, nang magtagpo ang kanilang mga landas sa naganap na coronation night ng Miss International Queen Philippines, noong Marso 6, 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/03/08/vice-ganda-sukang-suka-raw-kay-juliana-segovia/">https://balita.net.ph/2022/03/08/vice-ganda-sukang-suka-raw-kay-juliana-segovia/

Kumalat ang isyu sa pambubuking ng isang netizen na 'So tama nga ang nasagap kong balita: sukang-suka ang unkabogable comedian (na ang tinutukoy raw ay si Vice Ganda) kay Kabang (si Juliana raw). Hindi pinansin sa coronation night ng MIQ Philippines.

Hindi naman naispluk kung bakit dededmahin at sukang-suka ang TV host kay Juliana.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

This image has an empty alt attribute; its file name is 272789754_484350273286363_7964600373996337656_n-1-600x496.png
Screengrab mula Facebook

Naging kontrobersyal ang pagganap ni Juliana sa kilalang serye ng 'Kape Chronicles' at 'The Exorcism of Lenlen Rose' ng direktor at manunulat na si Darryl Yap. Palag kasi ng mga Kakampink, patutsada ang mga ito kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Sa March 10 episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, mismong si Juliana ang nagbigay-linaw rito, sa pamamagitan ng isang video clip.

"Hayun, ahm, wala pong katotohanan yung mga lumalabas na balita na dinedma raw ako ni Meme Vice sa MIQ Philippines, ahm, actually, ang totoo po niyan, ako po yung lumapit kay Meme, nagbeso kami, nagyakapan kami, wala pong katotohanan yung mga lumalabas na hindi ako pinansin ni Meme Vice," paglilinaw ni Juliana.

May pakiusap naman si Juliana sa lahat ng mga 'naninira' sa magandang samahan nila ni Vice Ganda.

"Sana huwag na lang tayong magpapaniwala sa mga fake news, lalo na kung wala namang malinaw na ebidensya."

Sumang-ayon naman si Ogie sa ginawa ni Juliana na seniority at popularity wise, ito ang lumapit at bumati kay Vice, na hindi naman maitatangging napakatagumpay na sa buhay simula nang sumikat ito.

Vice Ganda at Juliana Parizcovia Segovia (Screengrab mula sa YT/Ogie Diaz Showbiz Update)

Samantala, wala namang tugon, parinig, o pahayag si Vice Ganda tungkol dito.

Ang nanalo sa naturang beauty pageant ay si Fuschia Ann Ravena ng Cebu City.