Nagdiwang ng kaniyang 25th birthday si Julia Barretto ngayong Marso 10, 2022, at syempre, isa sa mga mahahalagang tao na bumati at nagpahayag ng pagmamahal sa kaniya, ay ang jowang si Kapamilya actor Gerald Anderson, na kahit abala sa taping ng 'The Family Affair' ay hindi pa rin pinalagpas ang araw na ito.

"This day in 1997 God sent us an Angel ❤️ Happy Birthday Baby," pagbati ni Gerald sa kaniyang jowa. kalakip nito ang ilan sa mga litrato ni Julia at litrato nilang dalawa na talaga namang sweetness overload.

Makikita naman na agad tumugon dito si Julia.

"Thank you my love.. ♥️ I love life with you," aniya sa comment section.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Julia Barretto at Gerald Anderson (Larawan mula sa IG/Gerald Anderson)

Sa kabilang banda, bumati rin kay Julia ang kaniyang amang si Dennis Padilla, na nakadalawang Instagram posts pa, at advance pa (Marso 8 ang nakalagay na petsa.

Sa unang IG post, nakalagay ang simpleng "Julia… happy b-day anak, I love you… God bless you," kalakip ang litrato nila ni Julia na kuha sa tila graduation ng anak sa high school.

Dennis Padilla at Julia Barretto (Screengrab mula sa IG/Dennis Padilla)

Sa isa pang IG post, makikita ang litrato ni Julia noong little girl pa lamang ito. May caption ito na "Julia…. Time really flies… happy birthday… Love you anak God bless you more."

Julia Barretto (Screengrab mula sa IG/Dennis Padilla)

Ngunit sa dalawang IG posts ng ama, mapapansing walang komento ang anak. Kaya naman, bumuhos ang reaksyon at komento ng mga netizen, na baka naman daw puwede niyang tugunan ang birthday messages ng tatay niya at huwag lang sa jowa.

"Buti pa sa jowa niya nagreply sa post sa tatay wala."

"Wala man lang comment si Julia pasalamat sa daddy niya. Pero sa post ni Gerald comment siya agad. Ungrateful daughter."

"Nakaka-ilang post na si sir Dennis di man lang napapansin ni Julia."

"Love your father, they are the best man in the world."

"Pansinin mo naman Ms. Julia Barretto ang tatay mo."

"Nakapag-upload nga sa boyfriend at nag- I love you pa. Sana ang Papa mo rin Julia. Yung Papa mo forever 'yan. Si Gerald, Diyos ko di natin alam."

May mga nagkumpara pa kay Julia sa hunk actor na si Diego Loyzaga, na kamakailan lamang ay napabalitang nakipagbati at nakipag-ayos na sa kaniyang amang si Cesar Montano.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/03/06/teresa-proud-mama-pinuri-ng-mga-netizen-sa-magandang-pagpapalaki-kay-diego/">https://balita.net.ph/2022/03/06/teresa-proud-mama-pinuri-ng-mga-netizen-sa-magandang-pagpapalaki-kay-diego/

Sa kabilang banda, may mga netizen naman din na nagtanggol kay Julia, dahil wala raw sa lugar ang mga tao para husgahan kung anoman ang isyu ni Julia sa kaniyang ama. Isa pa, hindi naman daw nakakasigurado ang mga tao na hindi tumugon sa pribadong mensahe ang anak, sa birthday message ng ama.

"Pansin ko di naka-tag kay Julia o kahit sino sa tatlong anak ni sir Dennis. Ano reason? Saan nanggagaling ang galit kung meron man, tatay ay tatay pa rin bali-baliktarin man ang mundo, magkapatawaran na lang sana…"

"Why is she being hated with his dad's posts? Kaloka kayo. Kahit di sila mag-reconcile, no one has the right to throw shade with what happened to their family. May reasons yung mga anak nila why they turned out to be distant, and the fault goes around their dad and mom, not the children. fault ba nila di sila nagwork? He's wishing her a happy birthday. Hatred should know an exception."

"Wala tayo sa lugar para panghimasukan ang desisyon o kilos ni Julia. Pampamilyang usapin 'yan. Let us just greet the woman, a happy happy birthday. Labas na tayo sa usaping pampamilya nila."

"Dedma na sa bashers, Ms. Julia B! Happy birthday, and more projects to come. Sana magsama ulit kayo ni Gerald sa isang movie o kaya teleserye."

"Sheeeeeet halos magkasunod lang kayo ng birthday ommmmmmmg talaga!!! Love you and happy birthday @juliabarretto wish ko sana maging happy ka always and please magpakasal na kayo ni Gerald! Hahaha."

Samantala, sa Instagram post naman ni Julia, binati rin niya ng happy birthday ang jowang si Gerald na nagdiwang naman ng 33th birthday noong Marso 7, 2022. Tinawag niyang 'best friend' si Gerald.

"Happy birthday my love, my best friend," saad niya sa caption. Kalakip nito ang kanilang mga litrato na magkasama.

"Thank you baby ko," tugon naman ni Gerald.

Gerald Anderson at Julia Barretto (Screengrab mula sa IG/Julia Barretto)

Makikita naman sa kaniyang IG stories ang iba't ibang mga pagbati ng malalapit na kaibigan sa showbiz na ibinahagi niya, lalo na sa kaniyang mga kapatid na sina Claudia, Dani, at Leon, subalit kapansin-pansin na wala ang birthday posts ng amang si Dennis.

Noong 2021, naging isyu naman ang hindi raw pagbati ng 'Father's Day' ni Julia kay Dennis.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/06/22/nalimutan-dennis-padilla-missing-sa-fathers-day-posts-ni-julia/">https://balita.net.ph/2021/06/22/nalimutan-dennis-padilla-missing-sa-fathers-day-posts-ni-julia/

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Julia tungkol dito.