Ibinida ng aktres at beauty queen na si Wynwyn Marquez ang kanyang 'baby bump' sa kanyang Instagram post nitong Lunes, Marso 7.

Photos from Wynwyn's IG

Tila nga glowing at hindi makikitaan ng malaking pagbabago sa kagandahan ng aktres kaya naman agaw-pansin ang mga litrato nito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Growing a little person in your belly is the most magical thing" ayon sa caption nito na umani na sa ngayon ng higit 20,000 likes sa pag-uulat.

Nagpahatid naman ng pagsuporta at pagkasabik ang ilan sa kanyang kaibigan sa industriya ng showbiz tulad nina Andrea Torres at ang mang-aawit na si Maricris.

"WOW"

Photos from Wynwyn's IG

"Ang gandaaaaa"

Nauna nang isinapubliko ni Wynwyn ang kanyang pagbubuntis sa kanyang non-showbiz boyfriend noong Disyembre 2021. Nito lamang nang inanunsyo niya na 'baby girl' ang kanilang unang magiging anak.

Bagamat hindi pa tuluyang nilalabas ng aktres ang pagkakakilanlan ng kanyang nobyo, binuksan niya na sa publiko na siuya'y 'in a relationship' noong Pebrero 2021

Photos from Wynwyn's IG