Sabi nga, mahal man o mura ang outfit, nasa nagdadala lang niyan. Napahanga ang mga netizen kay 'It's Showtime' host Kim Chiu dahil hindi akalain ng mga netizen na sleepwear lamang pala ang 'Outfit of the Day' o OOTD niyang pumasok siya para mag-host sa noontime show, noong Marso 7, 2022.

Yayamanin naman pala ang panjama set na suot niya dahil Gucci pala ito, ayon sa kaniyang Instagram post.

"Wear your sleepwear to work but make it EXTRUUHHHHHHH!!!!!!?????✨✨✨ Pajama at its finest… tuck-in, accessorize and voila!!!!??"

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa IG/Kim Chiu

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen.

"Too casual lang… parang wala lang ka-effortx2 pero gurl ang galing ng dating w/ all the coordination of jammies & accessories! Pero I still believed sa nagdadala lang 'yan kasi kung kami susuot ng jammies…. tulog agad ang nakakakita at walang masabi… hehehe!"

"Sinong mag-aakala na pajama set pala ang suot mo kung di mo sinabi… looks legit na Gucci talaga yung suot mo… galing ng fashion style mo Kim, ibuhhh!"

"Super pretty mo po Ate Kim parang model ng Victoria 's secret."

"Whoooa! Kimmy, I never thought it were jammies… you made it look 'Avant garde' w/ all the innovations & experimentation as well as interpretation of GUCCI style! Wow! Good job!"

Samantala, mukhang handang-handa na sa summer si Kimmy dahil may mga pasabog na bikini photos na rin siya sa kaniyang IG.