Napatay ang isang umano'y commander ng New People's Army (NPA) at kasamahan nito habang dalawang sundalo ang sugatan sa isang engkuwentro sa Negros Occidental nitong Martes, ayon sa pahayag ng militar kahapon.

Kinilala ni303rd Infantry Brigade (IBde) commander,Brig. Gen. Inocencio Pasaporte ng Philippine Army (PA), ang napatay na umano'y kumander ng NPA-Special Partisan Unit (Sparu)Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Platoon, Central Negros (CN)1- Komiteng Region- Negros, Cebu, Bohol at Siquijor (KR-NCBS)na si Virgilio Marco Tamban, alyas "Bedam," taga-Guihulngan City, Negros Occidental.

Hindi pa rin matukoy ng militar ang pagkakakilanlan ng napatay na kasamahan nito.

Sa report ng militar, ang sagupaan ay naganap sa Barangay Amin, Isabela ng nabanggit na lalawigan nitong Marso 8.

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Sinabi ni Pasaporte, namataan umano sa naturang lugar ang mga miyembro ng NPA at hinahanap ang isang sibilyan na napagkamalang impormante ng PA.

Pagdating ng mga tauhan ng62nd Infantry Battalion (IB) sa lugar ay kaagad nilang nakasagupa ang aabot sa 10 na rebelde na ikinasawi ni Tamban at kasamahan nito.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ng Isabela Municipal Police sa lalawigan na nakatakda sana nilang isilbiang isang warrnat of arrest laban kay Tamban kaugnay ng kasong paglabag saRepublic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Law) nang maganap ang insidente.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang dalawang sugatang sundalo.

Ayon sa pa sa militar, ang grupo ni Tamban ang pumaslang sa mga miyembro ngCitizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) sa Moises Padilla, Binalbagan at sa Guihulngan City kamakailan.

Itinuturo rin ang grupo ni Tamban na pumatay sa isang konsehal at anak nito sa Vallehermoso nitong nakaraang buwan.

Nakumpiska sa lugar ang isang Cal. 45 pistol at isang granada, ayon pa sa militar.

Glazyl Masculino