Nabastos si Camille Viceral, pamangkin ni Unkabogable Star Vice Ganda, matapos sabihin ng isang netizen na “tito niya” ang kanyang “source of income.”

Sa ibinahaging Tiktok video nitong nakaraang linggo, umalma si Camille sa isang sagot ng netizen sa tanong ng kapwa nitizen kung ano ang kanyang hanapbuhay.

Komento kasi nito, “tito niya” sa pagtukoy kay Vice Ganda.

“Nakakabastos po. Lumaki po kami sa hirap at alam po namin na ang pag-unlad ng isa ay hindi pag-unlad ng lahat. Dahil kung yun po ang iisipin namin, hihilahin po namin ‘yung tao pababa. May kanya-kanya po kaming pag-iisip, personalidad, pinagkakakitaan, at responsibilidad sa loob at labas ng bahay,” agad na tugon ni Camille sa isang Tiktok video.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Larawan mula Camille Viceral via Facebook

Pagbabahagi ni Camille, hindi sila naghahangad ng higit pa sa ibinabahaging blessing ng Unkabogable Star.

“Kung ano po yung binibigay sa‘min, yun lang po yung aangkinin namin. Hindi na rin po kami naghahangad ng sobra-sobra pa doon. Ayun lang. ‘Wag po tayong nag-a-assume at wag po tayong bastos,” dagdag na tugon at paalala ni Camille.

Screengrab mula sa Tiktok video ni Camille

Tumabo na ng 1.4 million views ang naturang Tiktok video ni Camille.