Kinumpirma ng aktor na si John Lloyd Cruz ang kanyang pagbabalik sa 'Big Screen' kasama ang kanyang bagong katambal na si Jasmine Curtis-Smith.

Ayon sa isang ulat mula sa PEP nitong martes, Marso 8, ang pelikulang pagbibidahan ng naturang aktor ay sisimulang gawin sa darating na buwan ng Mayo.

Matagal na ito. Dapat mangyari na siya this year," ani John Lloyd.

Ayon pa rin sa ulat, ang aktor mismo ang pumili kay Jasmine upang maging kapareha nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

‘Yung character na nabuo namin together with the writer and the director, tingin ko, pwedeng ilapit sa kanya as something na pwede niyang iconsider, or pag-trip-an or trabahuhin. Para siyang bagay dun sa character na na-create," dagdag pa niya.

Matatandaang huling nagkasama ang dalawang aktor sa kapuso sitcom na Happy ToGetHer.

Huling lumabas si John Lloyd Cruz sa Big Screen noong 2017 sa kaniyang pelikula kasama si Sarah Geronimo na Finally found someone bago siya pansamantalang umalis sa showbiz upang mag-focus sa kanyang anak kay Ellen Adarna.

Tiyak na marami ang naka-miss sa magaling na aktor kaya malaking bagay para sa mga fans ang kanyang pagbabalik sa pinilakang tabing.