Umuugong ngayon ang chika na kaya raw hindi muna tumatanggap ng proyekto si Kapamilya actress Angelica Panganiban, ay dahil nagdadalantao na ito sa kanilang panganay, ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Dapat nga, siya ang leading lady ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa romantic comedy series na 'My Papa Pi' ng ABS-CBN, o tinatawag ding sweetcom, nag-post pa nga ang isa sa mga cast members nitong si Daisy 'Madam Inutz' Lopez ng litrato nila ni Angge, pero nagulat na lamang ang madlang pipol nang maispatan na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa set, at siya na nga pumalit sa trono ni Angge sa show.

Sabi raw, conflict of schedule yata ang dahilan ng aktres kung bakit kinailangan niyang bitiwan ang proyektong ito. Pero ayon sa ulat, alam daw ng mga bosing ng Kapamilya Network ang tunay na dahilan kaya binati na nila si Angge, na nasa tamang edad na rin naman at napatunayan na ang sarili sa showbiz, bilang isa sa mga pinakamahuhusay na aktres ng kaniyang henerasyon, kung totoo man ang pregnancy issue na ito.

Batay naman sa mga Instagram posts ni Angge ay parang masayang-masaya naman siya sa piling ng jowa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Abgelica Panganiban at Gregg Homan (Screengrab mula sa IG/Angelica Panganiban)

Anyway, baka raw ito ang dahilan kung bakit nagkita-kita ang magkakaibigang sina Angel Locsin, Dimples Romana, Bea Alonzo, at Anne Curtis dahil sa magandang balita ni Angge, sey ng mga showbiz insiders.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/28/reunited-angel-angelica-dimples-bea-at-anne-nagkita-kita/">https://balita.net.ph/2022/02/28/reunited-angel-angelica-dimples-bea-at-anne-nagkita-kita/

Malalaman na lamang ng lahat kung totoo ito sa takdang panahon.