Nagsimula na ang ika-20 season ng American Idol kamakailan. Isang rebelasyon naman ang ibinahagi ng kilalang Pinay belter na si Katrina Velarde.

Pagbabahagi ng singer, isang recruiter ng sikat na reality singing competition na Americal Idol ang nagpasok sa kanya sa isang virtual audition noong 2021.

“Last year, someone from American Idol reached out to me and asked if I want to audition virtually so I did,” ani Katrina sa kanyang Facebook post nitong Martes, Marso 8.

Kwento pa niya, kahit alas-5 ng umaga sa Pilipinas, itinodo pa rin niya umano ang audition sa harao ng ilang producers ng show.

Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

Ilang magagaling na singers din mula sa ibang bansa ang nakasabayan niya.

“I passed the levels but then the problem came and it's always the VISA. I wont make it to the audition in person??‍♀️,” pagbubunyag ni Katrina.

“Sayang!” dagdag niya.

Kilala si Katrina sa kanyang madalas na powerful performances. Ang kantang “Lason Mong Halik” ay sikat na awitin din ng singer.

Gayunpaman, positibo pa rin si Katrina sa kanyang pananaw.

“’Pag hindi pa talaga time, it's not going to happen yet... So dont rush, because there's no shortcut. Might be a long way but if god wants you in there, then you will be ?❤️,” ani Katrina.

Basahin: Apo ni Aretha Franklin, nag-audition sa American Idol; judges, ‘di nagkasundo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Screengrab mula Facebook

Nitong Pebrero, isang pasabog na collaboration kasama si The Clash champion Jessica Villarubin ang nilabas sa YouTube channel ni Katrina.

Kaliwa’t kanang papuri ang natanggap ng dalawa matapos manihin nila ang Celine Dion classic na “I Surrender.”