Trending sa Twitter ang hashtag na #DanielPadillaForLeni matapos kumalat ang mga litrato ni Daniel Padilla at direktor na si Mandy Reyes, habang naka-posing sa isang sasakyan na may poster ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo, ngayong Marso 9, 2022.

Screengrab mula sa Twitter

"Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster,” nakasaad sa caption ng Facebook post ng direktor.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Nagbunyi naman ang mga tagasuporta ng Leni-Kiko tandem dahil certified Kakampink daw si DJ, kagaya rin ni Kathryn Bernardo na jowa niya, at nanay nitong si Luzviminda o 'Min' Bernardo.

Image
Screengrab mula sa FB/Mandy Reyes

May be an image of 3 people
Mandy Reyes at Daniel Padilla (Larawan mula sa FB/Mandy Reyes)

May be an image of 2 people
Mandy Reyes at Daniel Padilla (Larawan mula sa FB/Mandy Reyes)

Kumalat din ang mga litrato ni DJ maging ng kaniyang kasintahang si Kathryn kasama si VP Leni noong 2016 election.

Image
Daniel Padilla at VP Leni Robredo (Larawan mula sa Twitter)

Samantala, ang kaniyang inang si Karla Estrada na tumatakbo bilang nominee sa ilalim ng Tingog party-list ay hayagang nagpakita ng suporta sa UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Inday Sara Duterte.

Nauna nang sinabi ni Karla sa isang Instagram post na iginagalang sa kanilang tahanan ang pagkakaiba-iba ng kanilang pananaw, lalo na sa political stand.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/10/karla-estrada-wala-kaming-issue-sa-pamilya-kung-sino-ang-gusto-naming-suportahan/">https://balita.net.ph/2022/02/10/karla-estrada-wala-kaming-issue-sa-pamilya-kung-sino-ang-gusto-naming-suportahan/

"In our Family, we always practice to respect each one's opinion, and specially political views. Sinisiguro ko na sa aming tahanan pa lang ay buhay na ang mga karapatan ng aming mga boses at pananaw."

"At ang respeto ng mga anak ko, buong pamilya ko at mga taong bukas ang isip, malawak ang pag-intindi, ang tanging importante sa buhay ko. #iisanglayuninMAKATULONG," aniya.