Grabehan naman talaga ang pasabog ni Kapuso actress Solenn Heussaff sa pinakabagong campaign ad ng 'Belo', dahil hindi lamang kakinisan ang ibinilad niya kundi ibinuyangyang at nag-hello ang kaniyang makinis, maputi, at matambok na pisngi ng kaniyang 'pechay' na talaga namang ikinawindang ng mga netizen.

Para ngang wala pang junakis itong si Solenn batay sa mga hot pics na inilantad niya sa kaniyang Instagram post nitong Marso 7, 2022. May tagline ito na 'Restore and Reshape'.

"One thing I learned after becoming a mom: You’ll never be who you were. Because you’re not. Actually, you’re a better person, because you see what your body’s capable of doing. I decided to try #OndaPlus to enhance my body’s newfound and natural curves," aniya.

"Because we deserve to feel confident at every stage of our body’s evolution! Thank you to my @belobeauty family for supporting me on this amazing journey!"

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Screengrab mula sa IG/Solenn Heussaff

Nayanig naman ang mga netizen at hindi napigilang magkomento sa kaniya ang mga kapwa celebrity, gaya nina Anne Curtis, Dic Hayden Kho, Kakai Bautista, Max Collins, Tim Yap, Raymond Gutierrez, Bernadette Sembrano, Michelle Dee, at marami pang iba.

'May nanalo na raw' at tumabi-tabi ang ibang mga hubadera sa kaseksihan ngunit classy pa rin at hindi bastusin na mga litrato ni Solenn.

Tanong ng bayan, ano kayang sey ng kaniyang mister na si Nico Bolzico rito?