Sa March 7 episode ng 'Cristy Ferminute' ay napag-usapan nga nina Cristy Fermin at Romel Chika ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen tungkol sa pagkainis raw ni Queen of All Media Kris Aquino sa mga pulang emojis na nagkalat sa kaniyang comment section, at nagre-request daw na gamitin na lamang ang dilaw o pink.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/03/07/kris-banas-daw-kapag-may-red-emoji-sa-socmed-niya-may-sakit-ka-na-nga-napaka-bitter-mo-pa-rin/

Giit pa ni Cristy, napakarami raw nagdarasal para sa paggaling ni Kris, subalit ang ilan daw dito ay dismayado dahil nagawa pa umanong mag-post ni Kris hinggil sa isyu nito sa pulang emoji. May mga nagsasabi pa raw na netizen na hindi lang yata sakit sa pisikal ang dapat umanong atupagin ni Kris kundi maging sakit sa 'isipan'.

"Huwag mo nang pansinin 'yang mga 'yan, huwag ka nang dutdot nang dutdot ng mga bagay na hindi naman makatutulong sa paggaling mo, ano ba talaga ang kulay ng puso, hindi ba pula? Bakit ginagawa mong pink saka yellow? Sa hitsura mong 'yan ngayon, nasa utak mo pa rin ang politika?" ani Cristy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nabanggit naman ni Romel Chika na marami raw mga albularyo na vloggers na nananawagan na kay Kris na magpakonsulta na sa kanila, at baka raw may 'gumagawa' o nagpapakulam na raw sa TV host kaya hindi mawala-wala ang sakit nito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/15/kris-aquino-pinayuhang-magpa-albularyo-sey-ni-cristy/

"At heto pala 'Nay, nakalimutan ko pala sa iyo ikuwento, sa YouTube ay may mga manggagamot na ibina-vlog siya, 'di ba sinabi mo dati na bakit hindi kaya 'to magpatingin sa albularyo, manggagamot, kasi iba yung sakit niya, hindi makita…"

Sey naman ni Cristy, "Meron kasi tayong kasabihan na mga Pilipino, at kapaniwalaan, at the same time, na kapag ang sakit ay hindi kayang pagalingin ng mga espesyalista, at ng mga gamot, may tumatrabaho."

"Ang ibig sabihin no'n, may nagpapakulam! May nagpapabarang. Eh, ano naman ang masama kung maniwala rin siya, kung ayaw niya maniwala eh 'di huwag!"

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/18/kris-baka-nakulam-daw-hinikayat-na-magpa-albularyo-pagamot-sa-faith-healer/

Palaisipan din kasi umano sa lahat kung bakit hindi matunton ang sakit ni Krissy na nagpapababa sa kaniyang timbang ngayon. Nananawagan na raw ang mga albularyo na sana raw ay ikonsidera na ni Kris ang pagpapatawas sa kanila upang malaman kung may 'tumatrabaho' nga sa kaniya.

Samantala, nauna nang napaulat na hindi umano naniniwala si Kris sa ganitong klaseng gamutan, ayon naman kay Ogie Diaz.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/18/mungkahing-pagpapa-albularyo-nakarating-na-kay-kris-anong-sey-niya/