Usap-usapan ngayon ang tila parinig daw ni Carla Abellana, nang minsang magbahagi siya ng litrato sa kaniyang Instagram story, kung saan, makikita ang mga inihandang pagkain sa kaniya ng kasambahay.

May text caption ito na 'My Kasambahay and her SO have been taking extra good care of me lately… I'm grateful."

Sa bandang baba, may dagdag pa siya na 'Masarap din pala maalagaan.'

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Carla Abellana, labis ang pasasalamat sa pag-aalaga sa kanya ng kanyang kasambahay
Screengrab mula sa IG/Carla Abellana

Matatandaang napabalita kamakailan na panay ang like ni Carla sa mga negatibong komento ng mga netizen patungkol sa mister na si Tom, gaya ng 'cheater' at 'gay'.

Samantala, ngayong Marso 8 naman, ibinahagi ni Carla ang screengrab ng pinakikinggan niyang awiting 'On My Own' ng Jaden.

Screengrab mula sa IG/Carla Abellana

Hanggang ngayon, wala pa silang kumpirmasyon ni Tom kung trulagen ba ang mga chika hinggil sa kanilang pagsasama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/27/mga-netizen-nag-react-sa-pag-like-ni-carla-sa-cheater-at-gay-comments-kay-tom/

Chika naman ni Manay Lolit Solis, mukhang malabo na raw ang pagkakabalikan ng dalawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/06/hindi-na-raw-posible-na-magbalikan-sina-tom-rodriguez-at-carla-abellana-lolit-solis/