Matapos ang 25 taon sa industriya, hindi pa rin matatawaran ang ningning ng Kapuso actress at fashion darling na si Heart Evangelista.

Tumabo na ng higit sampung milyong followers ang Instagram account nito ngayong Martes, Marso 8. Nagpaabot ng pasasalamat ang aktres sa kanyang fans at followers na patuloy na sumusubaybay sa kanyang journey sa showbiz industry.

Basahin: Heart Evangelista, napa-‘lintik’ na lang nang pumasok sa isang luxury jewelry shop sa Paris – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“10 million in Paris ??? Thank you, to everyone :) After almost 25 years in showbiz, who would have thought I would still be loved by 10 million more ? I am so grateful ????,” mababasa sa caption ni Heart.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Larawan mula Instagram account ni Heart Evangelista

Black and silver naman ang motif ng kanyang larawan mula sa kanyang super chic na outfit hanggang sa blackk and silver balloons.

Basahin: Kaartehan? Heart Evangelista, may payo sa kapwa kababaihang ‘fashion is life’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasalukuyan pa ring nasa Paris, France ang aktres para sa ilang brand partnership deals at fashion shows.

Basahin: Heart Evangelista at Blackpink Jisoo, namataan sa parehong fashion event sa Paris – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid