Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs ang umano'y pagtataas daw ng kilay ng ilang mga netizen kay Kapamilya actor Gerald Anderson, dahil parang hindi raw nawawalan ng proyekto ang aktor.

Katatapos lang daw ng 'Init sa Magdamag' na pinagbidahan nila nina Yam Concepcion at JM De Guzman, umere na rin ang digital series nila ni Gigi De Lana na 'Hello Heart', at ngayon naman, nasa lock-in taping na raw sila para sa teleseryeng 'The Family Affair' kasama sina Ivana Alawi, Sam Milby, Jameson Blake, at Jake Ejercito. Usap-usapan daw na ito ang nabinbing proyekto sana ni Bea Alonzo, kaya lang, gumora na nga ito at lumundag sa Kapuso Network.

"Bakit si Gerald na naman? Eh dami namang mga artista ng ABS-CBN," komento raw ng mga netizen, sabi ni Mama Loi.

May favoritism daw ba ang ABS-CBN?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pagtatanggol naman ni Ogie, kung talagang nakakapag-deliver naman si Gerald at wala naman itong 'pa-star attitude', ay talaga namang mabibigyan ng proyekto ang aktor. Pero kung may 'a-ti-tu-de' raw, malamang ay hindi mabibigyan ng proyekto.

Sey ni Ogie, in fairness naman daw kay Gerald ay dalawang beses na niya itong nakasama sa trabaho kaya masasabi niyang maayos naman ito.

"Eh kung magaling naman talaga si Gerald, 'di ba? Bidahin naman talaga si Gerald, sino tayo para manguwestyon?" dagdag pa ni Ogie.