Game na nakipagbasagan sa bashers ang isa sa mga kapatid ni vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan na si Angeli Pangilinan, na misis naman ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Buo ang suporta ni Angeli sa kandidatura ni Sen. Kiko pati na rin sa standard bearer ng mga Kakampink na si presidential candidate at Vice President Leni Robredo, kaya normal lamang na may mga magkomento sa kanilang mga tagasuporta ng ibang partido at kontrahin ang kaniyang mga sasabihin sa social media.

Isa sa mga parinig tweet niya nitong Marso 6, 2022 ay "Our country’s destiny is at stake. Please pray. Do you want to sell your vote for ₱3,000 or your city and province for ₱50M? Lord Jesus ~ we ask for divine intervention!" na mukhang laan umano para sa mga pumapayag na tumanggap ng bayad upang i-endorso o suportahan ang isang kandidato, na hindi naman pinangalanan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter/Angeli Pangilinan

May sumagot naman sa kaniyang netizen na "Well some of your friends in the entertainment industry kinda did??"

Pambabasag naman niya, "Give me one industry that isn’t like that? My friends are adults who can make their own choices. So I would try to sway their decisions since we still have two months to do so right? God will make a way when there seems to be no way. He works in ways we cannot see!"

Screengrab mula sa Twitter/Angeli Pangilinan

May nagkomento naman sa kaniya na "Hindi n'yo naramdaman at nararamdaman ang maging mahirap."

Tugon naman niya, "Noong buntis ako kay Paolo, ang bahay ni Gary nasunog noon. Umuupa sila ng bahay at noong binuksan ko ang refrigerator nila, walang laman. Naglagay ako ng kurtina sa kwarto namin - dyaryo, yung classified ads na pahina para maganda. Araw-araw daw ang pamalengke nila. Wala kaming kama!"

Screengrab mula sa Twitter/Angeli Pangilinan

Ang iba pang mga kapatid ni Se. Kiko Pangilinan ay sina Anthony (na asawa ni Maricel Laxa at tatay ni Donny Pangilinan), Maricel, Joseph, at John Raymond.