Bukod sa pagbibigay ng update sa kaniyang gamutan sa pamamagitan ng Xolair treatment, humingi rin ng dispensa si Queen of All Media Kris Aquino kay senatorial candidate at kasalukuyang senador na si Joel Villanueva, anak ni Jesus is Lord Church founder at leader Bro. Eddie Villanueva, dahil sa mga nasabi niya tungkol dito.

Ayon sa dulong bahagi ng Instagram post ni Kris nitong Marso 6, 2022, nagkapalitan umano sila ng text messages ni Sen. Villanueva, at mukhang ang pinag-usapan umano nila ay tungkol 'sincerity' nito sa yumaong kuya ni Kris na si dating Pangulong Noynoy Aquino. Dahil dito, nakaramdam umano ng pagkapahiya si Kris sa re-electionist sa pagkasenador.

"Last week I know I hurt Sen @joelvillanueva’s feelings, although it was a private exchange of texts, publicly I'd like to sincerely apologize sobrang napahiya ako dahil sa isang 'program' that listed speakers & guests. I’m sorry Sen @joelvillanueva, maling- mali ako for questioning your sincerity regarding my brother," aniya.

Humingi rin siya ng dispensa sa yumaong si PNoy.

Ninong Ry, nakahabol sa pag-file ng 'COC'

"Noy- pasensya ka na very protective of his memory- bumabawi kasi sa mga pagka-brat ko sa kanya. #peace ☮️ #trust ? respect ? and #lovelovelove ??? na sana tayo ulit? Para kay Noy? I’m really trying my best to learn #humility na matagal niyang wish for me. ?."

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Samantala, wala namang tugon si Sen. Joel sa public apology ni Kris, o maaaring tumugon ito privately sa kaniya.

Si Villanueva ay naglingkod bilang dating director general ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA noong administrasyong Aquino. Kilala siya sa taguring TESDA Man.

Inendorso siya bilang senador ni vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa kanilang proclamation rally sa Bulacan noong Pebrero. Ikinokonsidera siyang kaibigan ni Inday Sara kahit na magkaiba ang partidong kanilang kinabibilangan. Kabilang si Villanueva sa senatorial slate ng Leni-Kiko tandem.