Usap-usapan na naman ng mga netizen ang mga litrato ng malapit na magkaibigang sina Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo, sa latest Facebook post ng social media personality.

Makikita sa dalawang litrato na ibinahagi ni Kimpoy na para bang magkatabi sila sa loob ng isang sasakyan, at sweet na sweet sila together na nag-wacky sa selfie.

May caption itong "Ikaw lang talaga.. Ang puso ko sana ay tanggapin mo ?" dated 03.07.22.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo (Screengrab mula sa FB/Kimpoy Feliciano

Tanong ng bayan, nag-level up na ba ang kanilang pagkakaibigan?

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Let them be happy. As long as they didn't ruin your personal lives then end of story. Congrats for both of them."

"Let us not be unfair to Heaven in our views about her. May goodness ka (siya) rin… that Kimpoy sees, we don't. Given na yung ganda. Let us pray for a more happy Kimpoy."

"Pahinga-pahinga rin, Heaven! Natagpuan mo na ba sarili mo?"

"Magkaibigan lang po silang dalawa, sinabi na nila 'yan before."

May mga netizen din na nagsabi na ang mga litrato nila ay para sa kanilang pinagtambalang music video na hindi pa nare-reveal kung para saan.

Samantala, hindi naman nilinaw ng dalawa kung next level na nga ba ang kanilang friendship, at kung totoo ba ang mga sinasabi ng mga 'paladesisyong' netizen.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na naugnay sa isa't isa sina Kimpoy at Heaven. Sa social media posts ni Kimpoy noong Nobyembre 8, 2022, tila nagtungo silang magkakaibigan sa Tinipak River sa Tanay, at isa sa mga litrato na kaniyang ibinahagi, kasama niya si Heaven.

Marami ngayon ang naiintriga kung sila na raw ba ni Heaven? Nasipatan din kasi siya sa litrato ni Heaven nang mamasyal ito sa Siargao. Doon din kinumpirma ni Heaven na hiwalay na sila ni Kiko Estrada.

"Para sa mga rude sa comment section, magkaibigan kami ni Heaven,” paliwanag niya. “If you're judging the person based on the things you only know from the internet, that’s on you. Sana kilalanin n'yo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga.”

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/09/kimpoy-feliciano-nilinaw-ang-relasyon-nila-ni-heaven-peralejo/

Sa bag raid at tell-all interview ni Darla Sauler sa Kapamilya actress, diretsahan niyang tinanong si Heaven kung sila na nga ba ni Kimpoy. Kung hindi raw niya kilala si Heaven, iisipin niyang sila na ng social media influencer dahil tinawag pa niyang 'beh' si Kimpoy. At kung susuriin daw ang mensahe ni Kimpoy para sa kaniya, parang may malalim na itong nararamdaman para sa dalaga.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/01/heaven-peralejo-nilinaw-kung-ano-ang-tunay-na-relasyon-nila-ni-kimpoy-feliciano/

"Oo… single ako but not ready to mingle. Yung kay Kimpoy guys, masaya lang din talaga na nagkaroon ako ng kaibigan sa showbiz. Iyon yung parang thankful kami sa isa't isa, na family nakahanap ka rin ng kaibigan talaga, na alam mo 'yun, lumalabas kahit hindi magkasama sa work, gano'n…" paliwanag ni Heaven.

Sinabi rin ni Heaven sa isang post na this time daw ay paglalaanan muna niya ang kaniyang sarili; na siya ay single pero hindi pa ready to mingle, nang maghiwalay sila ni Kiko.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/26/heaven-peralejo-im-single-but-not-ready-to-mingle/