Ibinahagi ng tinaguriang 'Dental Diva' na si Kakai Bautista na minsan na rin siyang nasabihan noon na ipaayos niya ang kaniyang ngipin dahil may potensyal siyang maging mahusay na singer. Ano naman ang sey niya?

"Sabe sa akin dati: “ipagawa mo yung ipin mo, may potential ka talagang maging sikat na singer” PAULIT - ULIT na SINABE KONG HINDI," saad niya sa kaniyang Facebook post noong Marso 4, 2022.

Paliwanag niya, mas gusto raw niyang maalala siya ng mga tao dahil sa magandang tinig niya kaysa sa kung ano ang nakikita nila sa kaniya.

"Bakit? Dahil mas gusto kong maalala ng tao ang boses ko at kung anong nararamdaman nila kapag pinapakinggan nila ako, kesa sa TINITINGNAN LANG NILA AKO habang kumakanta. ?"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Masayang-masaya si Kakai sa balitang pumalo na sa 40M views ang cover niya ng awiting 'Bakit Nga Ba Mahal Kita' ni Roselle Nava sa Wish 107.5 FM, at take note ha, 5 taon na ang nakalilipas simula nang umere ito.

May be an image of 1 person and text
Screengrab mula sa FB/Kakai Bautista via Wish107.5 FM

Sa panahon naman ng pandemya, sumikat ang 'Bakit Nga Ba Mahal Kita' challenge sa baguhang singer na si Gigi De Lana, na ngayon ay umaariba ang showbiz career sa Kapamilya Network.

Going back to Kakai, "SO GUSYH kung pwede ko lang kayong yakapin lahat. Haaaaaaayyyy MARAMING SALAMAT!!! Nang wagas na wagas!!!!!!!!!!"

"Pakinggan n'yo nang nakapikit, ramdamin n'yo ang kwento ng awiting ito❤️."

Sa isa pang Facebook post, ni-real talk niya ang mga tao na kaya siya kumakanta ay hindi para pasayahin ang mga mata at tenga ng sinuman, kundi magkuwento at haplusin ang kaluluwa ng mga tao.

"REAL TALK. I SING NOT TO PLEASE YOUR EYES nor Your EARS, BUT to tell YOU A STORY and TOUCH YOUR SOUL.

Para sa isang komedyante na ang realidad sa industriyang ito ay maging komedyante na lang at hindi SINGER. Kasi ganito, ganyan ka lang."

"Malaking bagay kasi PINAPAKINGGAN N'YO AKO, kahit hindi ko sila kasing ganda at sikat. Pinaka-IMPORTANTE ay nakinig kayo. MARAMING SALAMAT!!!!!!!!!!!!!" nag-uumapaw sa sayang sabi ni Kakai.

"JUSKOW!!!!!! Sana wag kayong magsawang pakinggan lahat ng kwentong musika ko.

Labyuh all.❤️"

"Thank you so much Wish 107.5 Sa Tiwala.???"

"To God be The Glory," aniya pa.

Sa ngayon ay napapanood si Kakai sa 'First Lady', paminsan ay guest co-host sa 'Eat Bulaga' at 'All-Out Sundays' sa GMA Network.